“Huwag na! Malalaki na kami!" Janine Gutierrez sa posibilidad ng bagong kapatid

“Huwag na! Malalaki na kami!" Janine Gutierrez sa posibilidad ng bagong kapatid

- Tinanong si Janine Gutierrez kung bet ba niya magkaroon ng bagong kapatid pag-ikinasal na ang mommy Lotlot de Leon niya sa Lebanese fiance nitong si Fadi El Soury

- Una ng pinahayag ng Kapuso aktres ang suporta sa pagpapakasal ulit ng kanyang ina sa boyfriend nito

- Dahil dito ay naitanong sa kanya ang posibilidad ng bagong kapatid, ayaw niya na umano dahil malalaki na sila

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita ng PEP, napanayam nila si Janine Gutierrez sa story conference ng movie na pinamagatang Elise kasama si Enchong Dee na gagawin nila sa ilalim ng Regal Multimedia ay kaswal raw na ipinahayag ng Kapuso aktres ang paghahanda ng kanyang Mommy Lotlot de Leon sa napipintong pagpapapaksal nito kay Fadi.

Napag-alaman pa ng KAMI na masaya raw naman silang magkakapatid para sa kanilang mommy Lotlot dahil matagal na rin naman umano ang relasyon nito sa naturang boyfriend niya.

Sa tingin naman nila na hindi naman daw magbabago ang pagtingin ng kanilang mommy sa kanilang magkakapatid kahit magiging Mrs. Fadi El Soury na ito.

Pag-amin pa ni Janine wala talaga daw syang alam sa plano ng kanyang mommy.

Ani niya:

"Actually, hindi pa po ako aware sa plano ni Mama, parang wala naman kasi siyang ikinukuwento na magbabago.I guess, ang magbabago lang ay yung officially married na sila.Pero siguro sa set-up, parang ganun pa rin siguro."

Nabanggit rin ni Janine na type rin daw niya umano magkaroon ng bagong kapatid pag-ikinasal na ang kanyang mommy.

Tanong naman ng press ang posibilidad ng mabuntis si Lotlot de Leon kahit 47 years old na ito, kung bet ba niya ang magkaroon ng bagong kapatid.

Natatawang sagot naman daw ni Janine:

“Huwag na! Malalaki na kami!”

Pero kung sakali man raw na mabibigyan ng anak sina Lotlot at Fadi ay tatanggapin naman daw niya ito.

Ibinalita namin dito noon na suportado rin ng kapatid ni Janine Gutierrez na si Diego ang pagpapakasal ng mommy nila.

Si Janine Gutierrez ay ang eldest sa apat na magkakapatid nina Lotlot de Leon at Ramon "Monching" Gutierrez.

Lola at lolo nila sina Pilita Corrales at Eddie Gutierrez, at sina Christopher de Leon at Nora Aunor.

POPULAR: Read more news about Janine Gutierrez here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel