Grabe na ito! Lolo, nasaktan sa pang-aagaw ng mga teenager sa jeep sa Maynila

Grabe na ito! Lolo, nasaktan sa pang-aagaw ng mga teenager sa jeep sa Maynila

- Viral ngayon ang panibagong video ng mga kabataang nambiktima na naman ng jeep

- Sa video na binahagi ni Nathaniel Javier Jamolin makikitang matanda naman ang biktima ng mga kabataan

- Umani na ng halos 2 milyong views ang video na ikinagalit na talaga ng maraming netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umatake na naman ang isang grupo ng kabataan na nambibiktima sa jeepney.

Nakunan ng netizen na si Nathaniel Javier Jamolin kung paano nilooban ng ilang binatilyo at dalagita ang isang jeep sa Pedro Gil, Taft Avenue.

Nalaman ng KAMI na nakasakay sa bus noon ni Nathaniel at ito ay nakahinto. Kaya naman aktong nakunan niya ang kaganapan sa kalapit na jeep.

Sa umpisa makikitang nakasabit sa may pinto ng jeep ang mga kabataan. Ito marahil ang kanilang paraan upang walang makababang pasahero. Ngunit nang makakita na sila ng kanilang bibiktimahin at iyon nga ay ang matanda, unti unti nang nagsibabaan ang ilang pasahero.

Kaawa-awang nakaladkas ang matandang lalaki na nagmatigas na di maagaw ang kulay "asul" na hawak nito. Di man naging malinaw sa post kung ano ang hawak nito sa post, marahil ito ay naglalaman ng kanyang pera.

Makikitang nasaktan na talaga ang lolo na nakuyog na ng mga kabataan ngunit kahit matanda na, nagpumilglas ito at nakawala.

Ang nakakatakot pa rito, may hawak na animo'y stick ang isang binatilyo na kasama ng grupo.

Bago matapos ang video, makikitang nakalakad palayo ang matanda ngunit nasundan parin yata ito ng mga kabataan na umatake sa kanya.

Ayon sa post, nai-report naman na ni Nathaniel sa kinauukulan ang insidente na naganap sa Maynila. Nasa pudar na nila ang pitong kabataan na sangkot sa panggugulo.

Umabot na sa halos 2 milyong views ang post na binahagi ngayon lang din Setywmbre 14.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, galit na galit naman ang mga netizens na nakapanood ng video. Sana raw ay magawan ng paraan ng kinauukulan na masupil ang tinatawag nilang mga "salot na ng lipunan" na kabataan na iyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wala man lang tumulong bakit ba takot na takot tao sa mga ganyan. Ako ma tsempuhan Ng mga to sa Jeep yari sakin mga to"
"nakakatakot na mag jeep! Ang kakapal ng muka mang hingi ng barya tas ganyan pa nagagawa"
"mga sakit ng lipunan. dapat hinuhuli tong mga to para di makaperwisyo."
"SERIOUSLY?!?! WALA MAN LANG TUMULONG?! OH TUMAWAG SA KAPULISAN WATCHING LANG ISA PA RIN KAYONG MGA HUNGHANG DAMI DAMI NYONG DUMADAAN NI ISA WALANG TUMULONG SA MATANDA?!?!"
"Ito po yung nagagawa ng pag revise ni kiko ng batas na hindi puwede makulong mga ganyang edad. Lalo naging matigas ang mga batang yan. Yan yung mga batang kahit anong pasok mo sa DSWD wala pa sa wisyong magtino."
"lately talamak sa taft ave. mga batang ganyan..mga walang takot kasi menor de edad? bakit walang mga pulis sa area na to para masugpo sila?"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel