Babaeng naiyak sa It's Showtime,hinarap sa ex niyang nakipagbreak sa kanya

Babaeng naiyak sa It's Showtime,hinarap sa ex niyang nakipagbreak sa kanya

- Nahagip ng camera sa It's showtime ang isang babae na umiiyak na nadala raw sa usapan sa Ms. Q&A

- Nang tanungin ni Vice kung bakit, nalaman na mahal pa rin nito ang ex niya na kasama pala ng kanilang grupo na nanonood ng noontime show

- Di inaasahan ng dalawa ang 'Awkward" moment na ito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa segment na Miss Q&A sa programang It's Showtime, napag-usapan ang 'break-up' na siyang naging dahilan ng pagluha ng ilang studio audience.

Marahil naka-relate masyado sa usapan ng contestant at hosts na sina Vice Ganda at Amy Perez, nahagip ng camera ang isang babae na talagang naiyak.

Nalaman ng KAMI na noong una, nagawa pa itong biruin ni Vice at sinabing "di na babalik yun" patungkol sa ex. Ngunit di ito natiis na usisain ang babae.

Nilapitan na ito ni Vice at tinanong kung bakit ito naiyak. Bago pa man makasagot ang dalaga, nalaman nila na kasama pala ng grupo nilang nanonood ang ex nito na pinatayo rin sa tabi niya.

Tinanong muli ni Vice kumbakit ito naiiyak, mariing sinagot ng dalaga na ""Mahal ko pa eh. Mahal ko pa kasi."

Nasakit daw para sa babae dahil ang lalaki ang nakipaghiwalay. Nalaman ng KAMI na nito lamang nakaraang buwan nakipagbreak ang lalaki ngunit di na ito nagbigay ng detalyo kung bakit siya nakipaghiwalay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nag-sorry lamang ang lalaki na tila di na nagbigay pa ng pag-asa sa babae.

Pinagkamay na lamang ang dalawa at pinayuhan ni Vice ang babae ng "Katulad niya na nag-let go na, mag-let go ka na rin, you have to decide to be happy."

"At mayroon isang lalaki [na para sa iyo] na sa paningin niya na ikaw ang pinakamaganda at pinakamahalaga," dagdag pa ni Vice bago ito bumalik sa contestant ng Miss Q&A.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Get your tissues ready! Anne and Erwan finally shared a full version video of their heartfelt wedding ceremony

Get your tissues ready! Anne and Erwan finally shared a full version video of their heartfelt wedding ceremony

Get your tissues ready! Anne and Erwan finally shared a full version video of their heartfelt wedding ceremony
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel