Defense Secretary Lorenzana, wala raw utos na hulihin si Senador Trillanes

Defense Secretary Lorenzana, wala raw utos na hulihin si Senador Trillanes

- Ayon kay Defense Secretary Lorenzana, hindi raw sila nagbigay ng order na arestuhin si Senator Antonio Trillanes

- Kaya naman hindi raw totoo na aarestuhin ng AFP si Trillanes

- Dagdag pa ni Lorenzana, wala raw dapat ikatakot ang senador upang umuwi sa bahay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorezana, wala silang order para arestuhin o i-track si Senador Antonio Trillanes.

“No order to arrest him nor to follow him,” sabi ni Lorenzana sa isang report ng GMA News.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Lorenzana, walang rason para matakot si Trillanes na umuwi sa kanila. Dagdag pa ni Lorenzana, aalamin niya kung sino ang mga lalaking naka-motor na sumusunod sa kotse ni Trillanes noong nagpakarga ng gas ito.

Klinaro naman ni Lorenzana na hangga’t walang arrest warrant na nakahain sa senador ay hindi nila huhulihin ito katulad na rin ng dating sinabi ng Philippine National Police (PNP) Chief na si Oscar Albayalde.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maski ang Pangulo ay nagsabing hindi siya interesado na ipakulong si Senador Trillanes.

Sa dating report ng KAMI, binawi ni Senador Trillanes ang sinabi niyang lalabas na siya ng Senate building. Sabi ng senador, sinabihan daw siya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na aarestuhin siya sa oras na lumabas siya. Dagdag pa ni Trillanes, may mga lalaking naka-motor na umaaligid sa kotse niya.

POPULAR: Read more about Senator Trillanes here!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel