Guro, naluha sa estudyanteng ginabi sa paggawa ng gawain sa paaralan
- Nag-viral ang post ng gurong si Mark Pee Ortil Pornasdoro patungkol sa estudyante niyang matiyagang nagtapos ng gawain
- Natapos naman ng mag-aaral ang gawain at naluha na lamang ang guro nang ipasa ito
- Nadurog din ang puso ng mga netizens na nakabasa ng ng kwento ng binatilyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marahil bibihira na talaga ang mga batang dedikado pa rin sa pag-aaral sa kabila ng napakaming distraksyon sa kanila.
Gaya na lamang ng post ng guro na si Mark Pee Ortil Pornasdoro. Bumalik lamang daw siya sa paaralan para tingnan kung maayos ba ang kanyang silid bilang paghahanda sa bagyong Ompong.
Laking gulat niya na naroon pa rin ang isa niyang estudyanteng lalaki at tinatapos pa rin daw ang gawaing di nito naipasa sa tamang oras.
Sinubukan naman daw itong patigilin ng guro at sinabi pa kinabukkasan na ipasa ngunit di nagpatinag ang mag-aaral.
Nalaman pa ng guro na nakatira ang bata sa barangay na walang kuryente at gasera lamang ang gamit kaya naman kahit lamapas alas siete na ng gabi, minabuto nitong manatili upang matapos ang gawain.
Nag-alala ang guro dahil nalipasan na ang bata ngunit pinagpatuloy pa rin daw nito ang gawain na animo'y sanay na raw magutom.
Nang matapos ang gawain, nagpaalam na ito sa guro. Di raw napigilan ni Sir Mark na maluha. Ngunit, natuwa naman daw siya sa pag-asang may mga mag-aaral pang gaya ng bata.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala, nadurog din ang puso ng mga netizens na nakabasa ng post. Sana raw ay magsilbing huwara ang batang lalaki sa kapwa niya mag-aaral.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Im so proud of you bro. Pray lang palage, makakatapos din"
"very inspiring..."
"This post made me cry...love being a teacher"
"Yan ang dapat tularan.poverty is not a hindrance to success.mahal ng Dyos ang nagpupumilit sa kabila ng kahirapan"
"nakakainspire naman"
"Malayo ang mararating ng mga batang ganyan."
Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!
Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong?on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh