Dating kasambahay, empleyado na ngayon sa malaking kompanya ng computer sa Singapore

Dating kasambahay, empleyado na ngayon sa malaking kompanya ng computer sa Singapore

- Dating kasambahay si Jourgina Dagoplo na ngayon ay nagtatrabaho sa IBM sa Singapore

- Naging napakabuti ng kanyang mgaamo at pinag-aral siya ng ng technical course dahilan para makapasok siya sa malaking kompanya ng kompyuter sa singapore

- Bilang pagbibigay pugay sa kabaitan ng mga amo, nanatili si Jourgina sa bahay ng mga amo at tumutulong pa rin sa gawaing bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing isa na si Jourgina Dagoplo ay isa sa mga masswerteng OFW na pinagpala sa kabaitan ng kanyang amo.

Nalaman ng KAMI na naninilbihan si Jourgina bilang kasambahay nina Dr. Richard Ng and Mrs. Ng. Naniniwala ang kanyang mga amo sa kaigihan ng edukasyon sa tao kaya naman di nila ito ipinagkait kay Jourgina.

Kaya naman in-enrol nila si Jourgina ng part-time course sa Institute of Technical Education (ITE), 3 araw sa isang linggo. Di lang nila ito pinag-aral, sukdulang maghapunan sila ng maaga, (5 ng hapon) makapasok lamang sa tamang oras si Jourgina.

Nakakatuwang tinutulungan din si Jourgina ng kanyang mga amo pag mayroon siyang mga assignments. Isa kasi itong engineer at nagtuturo ng Masteral sa ilang private schools sa Singapore.

“My Sir and Madam were so encouraging, I wanted to do my best," kwento ni Jourgina.

Taong 1997 nang nagtapos si Jourgina ng National ITE Certificate in electronics, specialising in computers and networking.

Nang mabasa ng IBM ang kwento ng kanyang buhay, inimbitahan siya ng IBM, isang kilalang kompanya ng computer sa buong mundo para ma-interview sa posibleng trabaho na maibigay sa kanya.

Maswerteng nakapasa si Jourgina at nakakuha ng two-year contract bilang technician ng IBM.

“She is hardworking and demonstrates a good attitude and passion towards work. These are the characteristics of any employee we want to hire,” pahayag ng spokesperson ng IBM.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naghihintay na raw ng panibagong kontrata si Jourgina kung saan magtatrabaho na siya mula am hanggang 3pm. Sa kabila nito, di parin daw bubukod si Jourgina mula sa kanyang mga amo. Bagkus, mananatili siya bilang pasasalamat sa kabutihang ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga amo.

“The money will make a big difference to my family in the Philippines. But I’m more excited about starting a new job and learning new things,” pahayag ni Jourgina na nasa Mindanao ang pamilya.

Kukuha man daw ng bagong kasamahin sa bahay si na Dr. Ng, tutulong pa rin si Jourgina sa mga gawaing bahay.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel