Senador Trillanes, naudlot ang pag-alis sa Senate building

Senador Trillanes, naudlot ang pag-alis sa Senate building

- Inanunsyo ni Senador Antonio Trillanes na may plano siyang lumabas na ng Senate building kahapom, Huwebes

- Ngunit hindi natuloy ito dahil ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tuloy ang pag-aresto sa kanya

- Sa ngayon ay mananatili pa rin ang senador sa kanyang Senate office

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos inanunsyo ni Senador Antonio Trillanes ang kanyang pag-alis sa Senate building ay kanya namang binawi rin ito. Ayon sa senador ay may mga nagtatangkang arestuhin siya sa oras na lumabas siya ng Senado.

Nalaman ng KAMI na mayroong diumanong mga lalaking naka-motor na sinusundan ang kotse ng senador. Dagdag pa ng senador ay dalawang magkasunod na araw na sinusundan ng mga lalaking ito ang kotse nang ito ay lumabas at nagpakarga ng gas.

Sa report ng Manila Bulletin ay sinabi rin ng senador na binigyan siyang warning ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na aarestuhin siya kung sakaling lalabas siya.

“The supposed intention is to stop me from going back in,” dagdag ni Trillanes na nagkaroon daw ng “augmentation” ang Philippine National Police para pigilan siyang bumalik sa loob ng Senado.

Kaya naman nagdesisyon ang senador na manatili pa rin sa Senado hangga’t walang official announcement ang AFP na hindi na siya aarestuhin ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naglabas rin ng mga litrato ang kampo ni Senador Trillanes ng diumano mga lalaking naka-motor na sumusunod sa kotse niya.

Sa dating report ng KAMI, inanunsyo ni Senador Trillanes ang kanyang plano na pag-alis sa Senate building ano mang oras kahapon, Huwebes, Setyembre 13.

POPULAR: Read more about Senator Trillanes here!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel