Sharon Cuneta at ang kanyang 'To All The Boys I've Loved Before' playlist

Sharon Cuneta at ang kanyang 'To All The Boys I've Loved Before' playlist

- Nagviral na nga ang TV guesting ni Sharon Cuneta sa Gandang Gabi Vice na inere noong Linggo, September 9, 2018

- Sa nasabing panayam ni Vice Ganda sa Megastar, muling binalikan nila ang mga sinasabing "good ol' days' ng kanyang makulay na love life

- Muling binalikan ni Sharon ang mga kahapon ng kanyang pag-ibig sa segment ng GGV ang Tanong mo, Mukha Mo!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa nakakaaliw na guesting ng Megastar Sharon Cuneta sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) kaya naman nagawan na lang ng playlist ng Star Cinema sa ABS-CBN website.

Muling binalikan ni Sharon ang mga lalaki ng kahapon sa panahon ng kanyang kabataan, mula sa kanyang puppy love, ang lalaking tinatangi nya pero hindi nangligaw, ang lalaki na ginawa ang fairy tale dream nya na totoo.

Hindi din naiwasan ng mga manonood pati ang TV host na si Vice kinikilig dahil bawat picture, may tanong at kanta siya na handog para sa mga lalaki na nasa larawan.

Kaya ngayon binalikan ng KAMI ang mga kanta na handog ni Megastar sa mga lalaki ng nakaraan nya.

Albert Martinez

14 years old daw si Megastar Sharon Cuneta noon sa GMA Supershow na na-inlove sya kay Albert Martinez, ang kanyang puppy love.

Dahil naging gentleman naman daw si Albert sa kanya, dinedicate nya ang kantang "Paano Kita Mapapasalamatan."

Christopher de Leon

Ang pangalawang mukha na pinakita ay kay Christopher de Leon, at ang tanong ng Megastar:

"Bakit hindi mo ako niligawan?"

Naging dating leading man, character-actor Christopher de Leon, kung saan dinedicate nya ang kantang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka."

Robin Padilla

Ang sumunod na pinakita ay si Robin Padilla na naging favorite leading man din niya, na ani pa ni Sharon Cuneta na nagproposed ng kasal sa kanilang relasyon.

"Dadalhin" naman ang kanta na inihandog sa kanya.

Richard Gomez

Sumunod naman na pinakita ang mukha ni Richard Gomez, para kay Mega ang aktor na ngayon ay Mayor na ng Ormoc City ay ang magandang halimbawa ng responsable na family man.

Ang kanta naman na dinedicate nya kay Richard na "Kumusta Ka."

Gabby Concepcion

Naging emosyonal si Sharon Cuneta pagdating sa ex-husband nya at ama ng kanyang anak na si KC Concepcion.

Ang kanta naman na kinanta ng Megastar sa kanya ay medley songs na "Dapat Ka Bang Mamahalin," at "Nakapagtataka."

Senator Kiko Pangilinan

At ang pinakahuli pero hindi ang pinakaleast, ang huling lalaki sa buhay ni Sharon Cuneta, dahil ibinigay lang naman ng mister ang lahat ng mga pangarap nya bilang babae.

"Will You Still Love Me Tomorrow" ang kanta naman na inihandog niya sa mister.

POPULAR: Read more news about Shaorn Cuneta here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel