Trillanes, susubukang umalis ng Senate building ano mang oras

Trillanes, susubukang umalis ng Senate building ano mang oras

- Isiniwalat ni Senador Trillanes ang kanyang plano na umalis sa Senate office

- Ayon sa senador ay “quietly” niyang gagawin ang kanyang pag-alis

- Kung saka-sakaling arestuhin siya ay handa rin naman ang senador harapin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Senador Trillanes, susubukan niyang sumimple nang pag-alis sa Senate building ngayong araw na ito, Huwebes, Setyembre 13.

Nalaman ng KAMI sa GMA News ang plano ng senador. Aniya, “Susubukan ko mamayang lumabas. We will do it quietly para we'll see,”

Subalit wala rin naman siyang binigay na oras kung kailan siya aalis.

Nang tanungin ang senador kung anong gagawin niya kung sakali arestuhin siya, sinabi niya na hindi naman siya manlalaban. “Wala namang magre-resist sa amin,” sabi ng senador.

Ngunit hindi pa rin nababahala ang senador na lumabas basta basta kahit na wala pang warrant of arrest laban sa kanya. Sabi ni Trillanes, hindi naman kailangan ng Armed Forces of the Philippines ng arrest warrant para arestuhin siya.

Simula noong pumutok ang issue sa pagbawi ng amnestiya ni Senador Trillanes ay nag-stay na siya sa Senate building. Sa dating report ng KAMI ay nasabi ngang ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hangga’t nasa kustodiya ng Senado si Trillanes ay hindi siya puwedeng arestuhin dito.

POPULAR: Read more about Sen. Trillanes here!

We are going to ask strangers in the Philippines several hilarious questions in Tagalog! The responses of the individuals in this video are just as hilarious! Do you think you can answer these questions correctly? Find out by watching the video – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel