Palasyo, nirerespeto ang amnestiya ng mga ex-mutineers bukod kay Trillanes

Palasyo, nirerespeto ang amnestiya ng mga ex-mutineers bukod kay Trillanes

- Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nirerespeto nila ang amnestiya ng mga kasabayan ni Senador Trillanes noon

- Mananatiling valid ang amnestiya ng mga ex-mutineers hangga’t hindi ito kinukuwestiyon

- Kaya naman sabi ni Roque, “Sorry na lang si Senator Trillanes”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May mga balita noong nagsasabi na posibleng madamay o makulong rin ang mga kasabayan ni Senador Antonio Trillanes noon sa kanyang pag-a-apply ng amnestiya.

Ngunit nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na may mensahe naman ang Palasyo sa mga ex-mutineers na kasamahan ni Trillanes noon. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay mananatiling valid ang amnestiya ng mga ex-mutineers bukod kay Senador Trillanes. Ang mga amnestiya na hindi kinuwestiyon ay rerespetuhin ang bisa nito.

Kaya naman sabi ni Roque, “Sorry na lang si Senator Trillanes, pinag-aralan siya ni Solicitor General Calida at lumalabas na depektibo talaga ang kanyang amnesty.”

“Iyung sa kanya lang ang maapektuhan dahil iyan lang ang up for review ng Regional Trial Court sa Makati,” dagdag pa ni Roque.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Solicitor General Calida ang nag-imbistiga sa application ng amnestiya ni Trillanes. Kaya naman pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 752 na nagsasabing i-void ang amnestiyang ibinigay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Senador Trillanes.

Sa nakaraang post ng KAMI, sinabi rin ni Pangulong Duterte na walang dapat problemahin ang ibang nabigyan ng amnestiya. Inamin rin niyang kaibigan niya pa ang iba rito kaya hindi niya ipapakulong ang mga ito.

POPULAR: Read more about Senator Trillanes here!

We are going to ask strangers in the Philippines several hilarious questions in Tagalog! The responses of the individuals in this video are just as hilarious! Do you think you can answer these questions correctly? Find out by watching the video – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fact check: Can President Duterte grant pardon to Imelda Marcos?

Fact check: Can President Duterte grant pardon to Imelda Marcos?

Fact check: Can President Duterte grant pardon to Imelda Marcos?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel