Robredo, nanghihinayang sa one-on-one ni Duterte at Panelo

Robredo, nanghihinayang sa one-on-one ni Duterte at Panelo

- Nanghinayang si Vice President Leni Robredo sa naging Q&A ni Pangulong Duterte at Atty. Panelo

- Sana raw mas naging direkta ang mga sagot ng Pangulo tungkol sa inflation ng bansa

- Dagdag pa ni Robredo, sana mas pagtuunan ng pansin ang issue sa inflation kaysa kay Senador Trillanes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong nakaraang Martes ay nagsagawa ng isang televised interview si Pangulong Duterte at Chief Presidential Legal Counsel na si Atty. Salvador Panelo. Napag-usapan rin nila ang mga national issues na kasalukuyang hinaharap ng mga Pilipino ngayon lalo na ang inflation sa bansa.

Sabi kasi ni Pangulong Duterte, mataas talaga ang pinagbago ng inflation rate at kakausapin niya ang mga “economic managers” tungkol dito.

Ngunit, nasasayangan naman ang bise presidenteng si Leni Robredo sa pagkakataong ito. Sabi ni Robredo, sana mas naging direkta ang naging sagot ng Pangulo sa kung paano sinusolusyonan ng gobyerno ang 6.4% inflation rate ng bansa.

Umasa raw kasi si Robredo na kaya gusting makausap ng Pangulo ang taumbayan, para ipaalam ang mga hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan ukol sa inflation.

Sabi niya, "Maraming sinabi iyong ating Pangulo pero nasasayang[an] tayo sa pagkakataon. Iyong sa aking inaasahan sana, napakalaking pagkakataon iyon para i-address iyong pagkabahala ng taumbayan tungkol sa kahirapan na pinagdadaanan natin ngayon sa ating ekonomiya,"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkomento rin si Robredo sa pag-mention ng Pangulo sa issue laban sa pagbawi ng amnestiya ni Senador Trillanes. Aniya, “Hindi nakakatulong na mas pinagtuunan ng pansin iyong away nila ni Senator Trillanes.”

Dagdag pa ni Robredo na dapat mas pinagtutunan ng pansin ng Presidente kung paano magkaka-isa ang mga Pilipino sa pagharap ng “matinding kahirapan”.

Sa dating report ng KAMI, iba-iba rin ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa naging Q&A ni Duterte at Panelo. Mayroong mga hindi nakuntento sa naging sagot ng Presidente ngunit mayroon pa rin namang natuwa sa mga plano ng Pangulo.

POPULAR: Read more about VP Leni Robredo here!

We are going to ask strangers in the Philippines several hilarious questions in Tagalog! The responses of the individuals in this video are just as hilarious! Do you think you can answer these questions correctly? Find out by watching the video – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel