Makati RTC, wala pa ring warrant of arrest laban kay Senador Trillanes

Makati RTC, wala pa ring warrant of arrest laban kay Senador Trillanes

- Matapos ang naging hearing ng Makati RTC, wala pa rin silang nilabas na warrant of arrest kay Trillanes

- Ayon sa korte, bibigyan pa nila ng 10 days si Trillanes para magbigay ng dagdag komento

- Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin masabi kung kailan mareresolba ang kasong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bigo pa rin ang Department of Justice (DOJ) sa kanilang hinain na arrest warrant at hold departure order sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 laban kay Senador Antonio Trillanes IV. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring warrant of arrest kay Trillanes.

Matapos ang naging hearing, nalaman ng KAMI na nagpasya ang RTC-Makati na bigyan pa ng karagdagang sampung araw si Trillanes upang makapagbigay ng dagdag komento laban sa motion ng DOJ.

Utos rin ng korte na sumagot ang DOJ sa loob ng limang araw matapos matanggap ang magiging komento ni Senador Trillanes. Subalit, wala pa ring exact date kung kailan mareresolba ang kaso.

Ayon naman kay RTC-Makati 148 Spokesperson Mara Peralta, depende sa judge ang magiging takbo ng kaso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, mas lalo namang pinatibay ni Trillanes ang kanyang kampo. Inanunsyo ng senador na nag-“volunteer” ang dating dean ng University of the Philippines College of Law na si Pacifico Agabin, dating Solicitor General na si Florin Hilbay at isang law professor na si Joselito Chan, para sumama sa kanyang legal team. Si Reynaldo Robles ang tumatayo bilang chief legal counsel niya.

Ayon kay Trillanes, ang mga ito ay naninindigan sa kung ano man ang nakasaad sa batas. Dagdag niya pa na kung hindi matatama ang ginagawa sakanya ngayon ay mapupunta sa peligro ang demokrasya ng bansa.

Sa dating report ng KAMI, binalita na ibinasura ng Supreme Court ang temporary restraining order at writ of preliminary injunction na hinain ni Trillanes laban sa proclamantion ni Pangulong Duterte.

POPULAR: Read more about Sen. Trillanes here!

We are going to ask strangers in the Philippines several hilarious questions in Tagalog! The responses of the individuals in this video are just as hilarious! Do you think you can answer these questions correctly? Find out by watching the video – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel