Boobay at Tekla may nakakawindang na pag-uusap tungkol sa high inflation rate

Boobay at Tekla may nakakawindang na pag-uusap tungkol sa high inflation rate

- Kung pagsasamahin mo ba naman ang dalawa sa nakakawindang na nakakatawang mga komedyante sa telebisyon ay talagang hagupit sa katatawanan ang mangyayari

- Sa show ng The Boobay and Tekla Show ay tinalakay ng dalawang komedyante at host ng programa ang tungkol sa high inflation rate

- Tinalakay ng dalawa ang tungkol sa naturang usapin na talaga namang pinag-uusapan ng taong bayan ngayon at mawiwindang ka sa mga banatan ng dalawa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang episode nga ng digital show nina Boobay at Tekla ang The Boobay and Tekla Show ang nagpawindang at nagpaloka ng mga viewers at online world dahil sa wasak na wasak na katatawanan ng tandem ng dalawa.

Sa naturang episode na una naming naispatan sa Manila Rush, ay tinalakay ng dalawa ang tumataas na presyo ng mga bilihan, na tinatawag na high inflation rate, unang bungad pa lang ay nakakaloka na ang kanilang banatan.

Tanong ni Boobay kay Tekla dahil nabanggit ng huli ang high inflation rate:

Boobay:

"Tekla, ipaliwanag mo naman sa amin ano ang high inflation rate."

Tekla:

"Ano ka ba Boobay mas marami tayong importateng gagawin. Wag mong iniitindi ang maliliit na bagay. Wag na nating palakihin. Let's move on. Learn the art of letting go."

Para malaman ang mga presyo ng bilihin ay nakilala nila ang fruit stand at sari-sari store owner, ayon sa napag-alaman ng KAMI.

Ang pag-uusap ay ayon sa kung paano kinakaya ng mga small businesses ang high inflation rate.

Bumuhos ang maraming reaksyon at komento ang naturang video sa YouTube, at heto ang iilan sa kanila.

"Nice tandem"
"nice one ito na ung inaabangan ko twing tuesday at thursday sakto bago mag out sa trbho panuoring ko muna pang alis stress at panandaliang makalimot sa problema ..#tbats buti anjan cla ;D"
"Utang na loob. Andyan pa pala si Super Teklaaaa. Hahaha"
"Wahahaha..nawala stress ko."
"Ang galing ninyo po talaga bobay and super tekla !!! Panalo po kayo . sa lahat ng mas panalo . nakakawala po talaga kayo ng kalungkutan . .sana patuloy lang po kayong magpasaya . sana magtagal pa po iyang show ninyo. God bless po sa inyong dalawa."
"Hahahah. The Art of letting go hehe"

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel