Ilan sa mga batang nanakit at nanguha ng pagkain sa pasahero ng jeep, itu-turn over na sa DSWD

Ilan sa mga batang nanakit at nanguha ng pagkain sa pasahero ng jeep, itu-turn over na sa DSWD

-Natunton ang 5 sa mga kabataang nanakit at nanguha ng pagkain at gamit sa mga pasahero ng jeep sa Pasay

-Itu-turn over ang mga ito sa DSWD

-Ayon umano sa driver ng jeep, bigla na lamang sumampa ang mga kabataang ito para mamalimos at nang-agaw ng pagkain ang iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Itu-turn over na ang 5 sa kabataang nanakit at nanguha umano ng pagkain sa mga pasahero ng isang jee sa EDSA extension corner Macapagal blvd, na natunton ng Pasay Police

Isa na dito ang batang lalaki na 16 taong gulang lang. Ayon sa kanya inaawat lang niya ang mga kasama.

Ilan sa mga batang nanakit at nanguha ng pagkain sa pasahero ng jeep, itu-turn over na sa DSWD

Photo source: Victor Bagatcholon III

"Umaawat lang po ako kasi lahat po kami mapapaalis doon."

Ayon sa GMA News, itinuro nito ang mga kasamahan ngunit pagdating sa Pasay Rotonda ay walang nadatnan ang mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa Diokno blvd naman nahuli ang isang taong gulang na lalaki na kasama din nila.

Nahuli din ang 13 taong gulang na dalaga na siyang nanabunot sa isang pasahero.

"Tumakbo po kami sa jeep nagkakagulo po. Sabay sabi sakin ng kaibigan ko, 'sabunutan mo nga yung isa', sinabunutan ko po. Sabi sasampalin rin po kasi ako." ayon sa dalaga.

Ayon naman sa driver sa pakikipag-ugnayan ng Pasay Police bigla na lamang daw sumampa ang mga kabataang ito para mamalimos at nang-agaw ng pagkain ang iba.

Ayon naman sa uploader ng video na si Victor Bagatcholon III, may kinuha din ang mga bata na tila sweater o cardigan sa isa sa mga pasahero ayon sa interview niya sa GMA News.

Sabi naman ng Pasay Police: "It so happens na 'yung grupo is 'yun nga nang-agaw ng pagkain sa pasahero. At syempre nung ayaw ibigay, nanakit itong mga bata."

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel