Baby Tali manang-mana sa pagka-photo bomber ng tatay niyang si Vic Sotto

Baby Tali manang-mana sa pagka-photo bomber ng tatay niyang si Vic Sotto

- Kahit saan ka lumingin isa sa laman ng balita ang napakacute na anak ni Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si baby Tali

- Hindi naman talaga maitatanggi na nakaka good vibes ang ka-cute-tan ng Eat Bulaga Dabarkads' baby

- Ngayon, pinag-uusapan ang laughtrip na minana ni baby Tali sa kanyang tatay na si Vic Sotto at ito ang nakakaaliw na pagka-photo bomber

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binahagi ng GMA News Online ang nakaka laugh trip na mga Instagram video stories ng butihing maybahay ni Bossing Vic Sotto at mommy ni baby Tali na si Pauleen Luna.

Ang naturang IG stories video ay screenshots ng mga litrato kung saan makikita mo ang kabibohan at kakwelahan ng mag-amang Vic Sotto at baby Tali.

Dito naispatan ng KAMI na hindi mapigilan ng ina ang pagkakapareha ng tatay at anak sa isa't isa.

Baby Tali manang-mana sa pagka-photo bomber ng tatay niyang si Vic Sotto

Credit: Instagram/Pauleen Luna-Sotto

Sa larawan sa taas ay makikita mo ang nakakalokang pagkakenkoy ni Vic Sotto na nagphoto bomb sa mga Sotto ladies at kapatid ni Kristine Hermosa.

Baby Tali manang-mana sa pagka-photo bomber ng tatay niyang si Vic Sotto

Credit: Instagram/Pauleen Luna-Sotto

Sa sumunod na litrato sa naturang IG story ni Pauleen, na makikita sa taas na picture, ay makikita naman ang pagkacute na pag-photobomb ni baby Tali sa litrato ng kanyang Tita Ciara Sotto na karga-karga ang anak ni Chino Sotto, ang kapatid ng namayapang Miko Sotto, na mga anak naman ng dating mag-asawang Maru Sotto at Ali Sotto.

Baby Tali manang-mana sa pagka-photo bomber ng tatay niyang si Vic Sotto

Credit: Instagram/Pauleen Luna-Sotto

Sa ikatatlong picture sa IG story ni Pauleen ay makikita ang larawan sa itaas, kung saan itanabi nya ang litrato ni Vic at baby Tali, at sinulatan ng nakakaaliw na caption na:

"The fruit doesn't fall far from the tree..."

Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon at komento sa naturang IG story.

"Ang cute Grabe!!!!!!! Sarap kagatin kagigil."
"ang cute talaga ng batang to ,baby tali sarap mo kurutin sa pisngi "
"Bibo tlaga ci baby tali amazing"
"Talagang npaka photogenic ni vic ng makita ko xia sa cubao nkka in love ang ka pogihan"
Baby Tali manang-mana sa pagka-photo bomber ng tatay niyang si Vic Sotto

Credit: Instagra/Pauleen Luna-Sotto

Ang mga nasabing larawan sa IG stories ni Pauleen Luna-Sotto ay parte pala ng double birthday celebrations ng Sotto family sa mga kamag-anak nilang sina Kristine Hermosa at Mara Isabel Sotto kamakailan lang.

Pareho palang pinagdiwang ng dalawa ang kanilang kaarawan noong September 9, 2018.

Kamakailan lang ay binalita namin ang pag-attend ni baby Tali sa birthday ng kanyang Tita Kristine at Tita Mara.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel