Presyo ng gulay sa Benguet bumaba; inani na bago pa man manalasa si Ompong doon

Presyo ng gulay sa Benguet bumaba; inani na bago pa man manalasa si Ompong doon

-Bumaba na nga mga presyo ng gulay sa Benguet matapos anihin prematurely, bago pa man manalasa ang posibleng maging supertyphoon na Ompong

-Pero bumaba man ang presyo, bumaba din ang kalidad ng mga gulay

-Pangamba ng mga magsasaka, baka magkaubusan ng supply ng gulay kapag nasalanta ng bagyo ang ilang pananim na 'di pa naaani

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa La Trinidad Vegetable trading post sa Benguet, tuloy-tuloy na ang pagdating ng supply ng mga gulay, ito'y matapos anihin prematurely ang mga tanim bago pa man manalasa ang posibleng maging supertyphoon na si Ompong.

Sa ngayon dahil umano sa patuloy na pagdating ng mga gulay doon, mas bumaba ang presyo ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ayon sa GMA News, dumami nga ang supply mas bumaba naman ang kalidad ng ilang gulay doon.

"Natatakot sa malakas na ulan baka kasi masira...Kasi 'pag nasira 'yan, Ma'am, wala nang babalik sa farmer. Kasi 'pag nasira 'yan, pag nasalanta, hindi na puwedeng anihin," sabi ng isang vegetable supplier na si Alvin Garcia.

"Pag napitas na, pag nasira na ng bagyo, eh di wala na. Nasira na ang lahat," ayon din sa isang magsasaka na si Efren Elias.

Sabi pa nito, baka wala silang maihatid sa pamilihan kapag nasira ang iba pang 'di naaani kapag nananalasa na ang bagyo.

Sa La Trinidad Benguet pa rin, binalot na ng mga magsasaka ng heavy duty plastic ang kanilang mga pananim proteksyon sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Samantala, nauna nang naibalita ng KAMI, na bahagyang tumulin si ompong habang mas palapit pa ito sa Pilipinas.

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dominique Cojuangco may mamahaling regalo kay Gretchen Barretto na may sakit

Dominique Cojuangco may mamahaling regalo kay Gretchen Barretto na may sakit

Dominique Cojuangco may mamahaling regalo kay Gretchen Barretto na may sakit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel