Hindi nakatiis! Freddie Aguilar, nag walk out sa awarding ng PMPC

Hindi nakatiis! Freddie Aguilar, nag walk out sa awarding ng PMPC

- Nainis at nag walk out si Freddie Aguilar sa awarding ng PMPC

- Ayon sa mga nakakita, hindi na nahintay pa ng singer ang kaniyang award

- Ito’y dahil sa mabagal na usad diumano ng programa kaya nainip na ang musician

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umalis at hindi na nakita pa sa kaniyang kinauupuan ang batikang singer na si Freddie Aguilar habang nagaganap ang PMPC Star Awards for Music.

Nalaman ng KAMI na maging ang dapat sana ay tropeyo ng mang-aawit ay hindi na niya nakuha dahil sa diumano’y pagkainis nito.

Itinuturong dahilan ang mabagal na usad ng programa na umabot pa hanggang alas-dos ng madaling araw.

May nakakita daw sa batikang singer na umalis sa kaniyang pwesto at inakalang pupunta lamang ito sa banyo.

Ngunit hindi na bumalik pa si Ka-Freddie kaya’t hindi na nito nakuha ang kaniyang prestihiyosong award.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, maaga diumanong dumating sa venue si Ka-Freddie ngunit halos mag aala-una na ng madaling araw ay hindi pa rin ibinibigay ang kaniyang award.

Wala namang tigil sa paghingi ng paumanhin ang mga hosts na sina Kim Chiu, Xian Lim, Karylle, Christian Bautista, at Aljur Abrenica dahil sa matagal na palatuntunan.

Sinasabing ang dahilan kung bakit inabot ng madaling araw ang okasyon ay dahil sa dami ng awards na ipinamigay nito.

Bukod pa diyan, bawat kategorya ay may mga production numbers na lalo pang nagpatagal sa usad nito.

Upang magbigay-aliw naman sa mga manonood, sinubukan pa ng mga hosts na magbiro ngunit hindi na nito napigilan ang pagkainis ng ilang audience at awardees.

Dahil sa pag walk out ni Ka-Freddie, tatlo na lamang ang ginawaran ng Lifetime Achievement Awards kabilang na si Gary Valenciano, Imelda Papin, at Basil Valdez.

Ang beteranong singer sana ang makatatanggap ng Gawad Levi Celerio Lifetime Achievement Award para sa PMPC Star Awards for Music (2017).

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagulantang ang lahat sa balitang nasunog ang bahay ng mang-aawit sa Quezon City.

Si Freddie ay isinilang noong February 5, 1953. Sumikat siya dahil sa mga awiting “Anak” at “Bayan Ko” na ginamit naman noong pinatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang pwesto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel