Ulan na dala ni Ompong posibleng lagpasan pa ang Ondoy ayon sa PAGASA

Ulan na dala ni Ompong posibleng lagpasan pa ang Ondoy ayon sa PAGASA

-Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ompong na may international name na Mangkhut ngayong hapon ng Miyerkules

-Ayon sa PAGASA, posibleng lagpasan nito ang ulang idinulot ng Ondoy kapag pinalakas nito ang habagat

-Hinihikayat ng PAGASA na maging alerto ang taong-bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hapon ngayong Miyerkules nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ompong na may international name na Mangkhut.

Ayon sa PAGASA, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometer per hour (kph), pagbugsong pumapalo sa 255 kph, at diameter na 900 kilometer mula sa report ng ABS-CBN News.

Maaaring magkaroon ng malakas na alon at ulan na posibleng magdulot ng landslide, pagbaha, at pati na mga storm surge, ayon sa PAGASA dala ng matinding hangin ng bagyo.

Dagdag pang PAGASA, maaari pa raw lagpasan nito ang ulang dinulot ng Ondoy noong 2009, kapag pinalakas nito ang habagat.

"Kamukha din noong panahon ni Ondoy, habagat din 'yun. So kung may habagat din siya plus 'yung ulan mismo ay nanggagaling sa bagyo, so puwede siyang (tubig) tumaas. Puwedeng abutin si Ondoy, puwedeng lagpasan ang Ondoy dahil meron itong sinasabi natin na habagat," paliwanag ni PAGASA administrator Dr. Vincent Malano sa isang press conference ayon sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang bagyo ay inaasahan ding magpapalakas ng habagat na magdudulot ng ulan sa Palawan, Mindoro, at Western Visayas sa Biyernes at Sabado.

Inaasahan ang malalakas na ulan at bugso ng hangin sa Northern Luzon at ilang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Inaasahang tatama ang bagyo sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Isabela, Cagayan, Batanes, Nueva Vizcaya, at Quirino, ayon sa ABS-CBN News.

Hinihikayat ng PAGASA ang sambayanan na magingat at maging alerto sa lahat ng oras.

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel