Jeepney driver sa Laguna, nililibre ng pamasahe ang mga elementary students

Jeepney driver sa Laguna, nililibre ng pamasahe ang mga elementary students

- Hinahangaan ang jeepney driver na si Jay-ar Septimo dahil sa kawanggawa niya sa mga batang sumasakay sa kanyang jeep

- Nagviral ang post ng netizen na nakasaksi ng kabutihan ni Jay-Ar

- Halos apat na taon na raw pala niya itong ginagawa at di naman daw malaking kabawasan sa kanyang kita ang kawanggawang ito sa mga bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen tungkol sa driver na sinauli ang pamasahe ng tatlong batang mag-aaral na nasa elementarya.

Ayon sa post, nang magbayad daw ang mga bata at nalaman ni Jay-ar na ang mga ito ay nasa elementarya pa lang, di raw nagdalawang isip ang tsuper na isauli na lamang ang bayad at ilibre na lamang niya ng sakay ang mga bata.

"Nalaman niyang sa mga elementary student po [yung bayad], binalik niya po. Tapos sabi niya 'wag na lang daw sila magbayad, baon na lang daw po nila 'yon," pahayag ni Kyle Mamanses na siyang nagbahagi ng post.

Nakapanayam naman mismo ng GMA news si Jay-ar na taga Los Baños, Laguna. Apat na taon na pa lang ginagawa ito ng 26 anyos na tsuper.

"Pinakatulong ko na lang sa mga magulang kasi magkano man lang sir ang baon na 'yon," paliwanag niya.

Sabi pa ni Jay-ar na di naman daw malaking kawalan ang panlilibre niyang iyon sa mga bata. Katunayan, nakaka-boundary at kumikita pa rin siya.

"Kahit papaano kumikita rin. Wala naman po 'yun, 'di naman malaking kabawasan sa pamamasada yun, kahit mataas ang diesel," masayang sabi ni Jay-ar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakakataba lalo ng puso nang ikinuwento ni Jay-ar na talagang sinasabihan pa niya ang mga bata na abangan siya para makalibre na ang mga ito sa pamasahe.

"Sinasabi ko sa mga bata, lagi ninyo ako abangan 'pag kayo'y papasok sa umaga. Kasi umaga ako nadaan diyan, 'pag nakita ninyo ako, parahin niyo ako agad para libre kayo," pagtatapos ng tsuper na tunay namang kahanga-hanga dahil sa kanyang kawanggawa.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel