15 anyos na dalaga, maswerteng nakaligtas daw sa panggagahasa sa kagustuhang mag-artista

15 anyos na dalaga, maswerteng nakaligtas daw sa panggagahasa sa kagustuhang mag-artista

- Sinalaysay ng isang dalagita kung paano siya muntik nang pagsamantalahan ng di kilalang lalaki

- 15 anyos lamang ang dalaga na inalok na mag-artista ng di kilalang lalaki at babae sa mall

- Maswerteng pinauwi na lamang ang dalaga nang tumanggi ito, at nakabalik naman ng maayos sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 15 anyos na dalagita ang nakaligtas sa posibleng panghahalay umano sa kanya ng isang di kilalalng lalaki.

Ayon sa salaysay ng dalaga, gagawa lamang daw sana silan ng kanyang mga kaklase at nagkita kita sila sa isang mall sa Pasay City.

Nilapitan daw sila ng ng isang babae at isang lalaki na na nagpakilalang mga talent managers.

"May lumapit po sa amin na isang babae, isang lalaki, niyayaya po kaming mag-artista. Tapos sinabi po nila sa amin na kumain na muna daw po kami," kwento ng biktima.

Inalok daw muna silang kumain ng mga ito at bigla na lamang sinama ang dalagita ng lalaki at sinakay sa taxi.

Dumaan pa raw sila sa computer shop at sumakay ng bus patungo namang Cubao.

Sa bus, di na napigilan ng suspek na halikan ang dalaga. Pagkababa ng bus ay nagtaxi muli sila patungo naman sa subdivision sa Antipolo.

Tinanong pa raw siya ng lalaki kung papayag ang dalagita na sumama sa kanya at uminom.

Dito, labis ang pagtanggi ng dalagita. Mabuti na lamang at di na siya pinilit pa ng lalaki na pinasakay na lamang muli siya sa taxi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paliwanag ng biktima, napaniwala lang siya ng lalaki na pasisikatin siya nito sa pagiging artista.

"Sabi niya po papasikatin niya daw po talaga kami tapos sabi niya gaganda daw talaga 'yung buhay ko, tapos iaalis niya po daw kami sa, 'yung bahay po namin bibili raw po kami ng bahay tapos sasakyan," kwento pa niya.

Dala ng matinding takot at halo halong emosyon, di maiwasang maiyak ng magkaklase nang muli silang nagkitakita nang makabalik ang dalaga.

Samantala, pinaghahanap na ngayon ng awtoridad ang babae at lalaking suspek na marahil ay may iba nang nabiktima.

Magsilbi daw itong babala sa publiko na huwag basta basta maniwala sa mga nagpapakilalang talent managers at maaring isang modus lamang ito.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel