Inabandunang patay na sanggol, may kasama pang rosaryo sa loob ng karton

Inabandunang patay na sanggol, may kasama pang rosaryo sa loob ng karton

- Isang patay na sanggol ang natagpuan sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya

- Tila nakonsensya pa ang gumawa nito dahil sa rosaryo na kasama sa loob ng kahon

- Inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang sanggol na sinilid sa kahon at natagpuang patay sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Nalaman ng KAMI na tila nakonsensya pa ang gumawa nito sa sanggol dahil sa rosaryo na nasa loob din ng kahong pinaglagakan ng walang buhay na sanggol.

Salaysay ng pulisya, dalawang tricycle driver ang nakapansin ng kahon na nakalagak lamang sa isang upuan sa gotohan sa Barangay Tuao North gabi noong Setyembre 10.

Sa takot na baka kung ano ang laman ng kahon, agad pinagbigay-alam ito ng mga driver sa awtoridad.

Nang buksan ang kahon, nakita ang duguang puting damit kung saan nakabalot ang sanggol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masasabing bagong silang ang sanggol at upang makumpirma, dinala agad nila ito sa ospital. Doon nalaman nilang patay na nga ang sanggol.

"Newborn siya. Hinihintay pa natin 'yung resulta ng examination para malaman 'yung cause of death," sabi ni Chief Supt. Ferdinand Laudencia ng Bagabag police.

Tinitingnan din ang anggulo na isang pasahero ng bus ang nag-iwan sa sanggol dahil babaan ng pampasaherong bu ang lugar at iniwan ito sa kasagsagan ng ulan.

Patuloy ang imbestigasyon kung sino ang gumawa ng kalunos lunos na bagay na ito.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga pahiwatig? Yassi Pressman, nag-aalaga na rin ng ahas tulad ni Coco Martin

Mga pahiwatig? Yassi Pressman, nag-aalaga na rin ng ahas tulad ni Coco Martin

Mga pahiwatig? Yassi Pressman, nag-aalaga na rin ng ahas tulad ni Coco Martin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel