Trillanes, sinabihan si Duterte na huwag idamay ang nanay niya sa gulo nila

Trillanes, sinabihan si Duterte na huwag idamay ang nanay niya sa gulo nila

- Sinabihan ni Sen. Trillanes si Pang. Duterte na huwag idamay ang nanay niya sa gulo nila

- Dagdag pa ng senador na huwag gawing personalan ang laban nila

- Ayon sa Presidente, sangkot ang nanay ni Trillanes sa mga transaksyon sa Philippine Navy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa naging one-on-one interview kahapon ni Pangulong Duterte at Atty. Salvador Panelo ay dinawit ng Pangulo ang nanay ni Senador Trillanes na si Estelita Fuentes Trillanes.

Nalaman ng KAMI na agad namang sinagot ni Senador Trillanes ang mga tirada ng Pangulo na sangkot ang nanay ni Trillanes sa mga transaksyon sa Philippine Navy.

Sabi ni Trillanes, “You stick with me Mr. Duterte, dahil wala ka nang maibato sa akin ida-drag mo pa sila rito,”

“Hindi ko maisip kung bakit ida-drag ni Mr. Duterte ang aking magulang dito sa laban namin,” sabi ng senador.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag niya pa na ang nanay niya ay 84 years old na at mayroon pang advanced Parkinson’s disease. Hinamon naman ngayon ni Trillanes ang Presidente na huwag gawing personalan ang laban nila sapagkat hindi ito gawain ng isang tunay na lalaki.

Kahapon habang nasa interview ay sinabi ni Pangulong Duterte na nasa serbisyo pa hanggang sa ngayon ang tatay ni Trillanes, ngunit dineny naman ng senador ito sapagkat noong 1998 pa lang ay nagretire na raw ito.

Sa dating report ng KAMI, nabanggit rin ni Pangulong Duterte sa kanyang interview na kasalanan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagbibigay ng amnestiya kay Senador Trillanes.

POPULAR: Read more about Trillanes here!

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel