Pulis na sumagip sa buhay niya, hinanap ng isang babae pagkatapos ng 18 taon. Kabayaran niya dito, di mapapantayan

Pulis na sumagip sa buhay niya, hinanap ng isang babae pagkatapos ng 18 taon. Kabayaran niya dito, di mapapantayan

-Isang babae ang nagulat ng maisipang i-google ang kanyang sarili at madiskubre ang isang bagay sa kanyang past

-Sa isang malaking sunog noong 1998, muntik na pala siyang mamatay ngunit may isang Pulis ang tumulong sa kanya

-Kaya naman hinanap niya ang tagapagligtas at isang malaking regalo ang kanyang ibinigay dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inaasahan ni Josi ang kanyang nadiskubre nang minsan niyang maisip na 'i-google' ang kanyang sarili. Nalaman nito na minsan na palang nalagay sa panganib ang kanyang buhay at muntik ng bawian ng buhay.

Sa isang malaking sunog, sa Connecticut noong 1998, isa si Josi sa mga biktima nito. Ngunit isang Pulis ang nagligtas sa kanya.

Ayon sa Smart Readers, nakita umano ni Peter Getz na nakahandusay si Josi sa sahig na halos wala ng buhay. Hindi umano ito nag-dalawang isip na iligtas ang batang Josi.

At dahil isang malaking trahedya ang naganap, naubusan umano ng ambulansya kaya naman nakiusap si Peter sa kanyang kasamahan na dalin nila sa ospital ang batang babae lalo na nang mapansin niyang hindi na humihinga ang bata.

Pulis na sumagip sa buhay niya, hinanap ng isang babae pagkatapos ng 18 taon. Kabayaran niya dito, di mapapantayan

Photo source: Smart Readers
Source: Getty Images

Habang nasa daan, nilapatan ni Fred si Josi ng paunang lunas at resuscitation sa back seat.

At bago pa man sila makarating sa emergency room, humihinga na ulit ang batang Josi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At pagkatapos ng 18 years, nagawa ngang hanapin ni Josi ang kanyang tagapagligtas sa tulong na rin ng social media. Si fred ay isa nang retired police. Nagawa nilang magkaroon ng komunikasyon at ipinaalala ni Josi ang kabayanihan nito para mabuhay siya.

Kaya naman, nang magtapos si Josi Eastern Connecticut State University, inimbitahan niya si Fred para masaksihan ang kanyang graduation. Ayon sa kanya, si Fred ang kanyang guardian angel at wala umano siya ngayon kung hindi siya iniligtas noon.

“I almost died, but I had a new chance in life. And it was thanks to Peter and everyone else who was there and helped to that day.” ayon pa umano kay Josi.

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel