Lahat kayang gawin ng ating kababayang OFW para sa pamilya, diskarte at sipag ang bala ni Arnold sa laban

Lahat kayang gawin ng ating kababayang OFW para sa pamilya, diskarte at sipag ang bala ni Arnold sa laban

-Todo kayod at diskarte ang panlaban ng ating kababayan na si Arnold sa Saudi Arabia para sa anak at pamilya sa Pilipinas

-Bukod sa dalawang trabaho, naggugupit pa siya bilang sideline niya doon

-At kahit pa nga hindi na bago ang ganitong sitwasyon ng ating mga kababayan, kahanga-hanga pa rin ang isang tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinanganak sa Bulihan, Silang Cavite ang ating kababayan na si Arnold Ancheta, 23 taong gulang at isang overseas Filipino worker sa Riyadh Saudi Arabia.

Bago pa ito, nagtrabaho pa umano si Arnold sa isang printing press at kumikita ng P300 sa isang araw na may 8 oras na duty.

Maagang nag-asawa si Arnold sa edad na 18 taong gulang, ang kanyang asawa ay si Gwendolyn Ancheta at biniyayaan ng isang anak. Kaya naman dahil sa hindi sapat na kita, sinubukan nito ang swerte sa ibang bansa.

Sa Riyadh, isang pizza maker sa Hara Al Wasarat si Arnold. Pumapasok siya dito tuwing 1:00 pm hanggang 10:00 pm, Lunes hanggang Linggo at walang dayoff at kumikita ng 1,200 Saudi Riyal.

Bukod dito, isa ding utility man sa Pasalubong, isang one stop shop store and restaurant of Filipino food, products and delicacies. At kumikita ng 600 SR bilang part time job. Pumapasok umano siya dito tuwing 7:00am hanggang 1:00 pm.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Diskarte na lang ang bala ni Arnold sa Saudi para sa anak at pamilya

Photo source: Life stories of OFW
Source: UGC

At dahil likas na madiskarte, ginamit din ni Arnold ang kanyang kaalaman sa panggugupit ng buhok at sa loonb daw ng isang linggo ay mayroong parokyano na aabot sa 5 hanggang 6 at bawat gupit at 5 SR.

Hindi na bago sa ating mga kababayang OFW ang ganitong istorya, ngunit kahanga-hanga pa rin ang isang tulad ni Arnold na handang magsakripisyo at kumayod ng higit pa sa 12 oras kada araw, para sa ikabubuhay ng pamilya sa Pilipinas.

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Manila Guide: 8 amazing events in Metro Manila this week, September 24 to 30

Manila Guide: 8 amazing events in Metro Manila this week, September 24 to 30

Manila Guide: 8 amazing events in Metro Manila this week, September 24 to 30
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel