Charlene Gonzales, nagreact sa movie nina Bea Alonzo at Aga Muhlach

Charlene Gonzales, nagreact sa movie nina Bea Alonzo at Aga Muhlach

- Kamakailan lang ay nagpost si Bea Alonzo ng trailer ng bago niyang pelikula kasama si Aga Muhlach

- At talaga namang nagtrending at viral ang naturang Instagram post ni Bea, bukod pa rito napacomment rin ang misis ng kanyang leading man na si Charlene Gonzales

- Hindi nga napigilan ng 1994 Miss Universe Top 6 ang mapacomment sa ganda ng pelikula ng asawa at ni Bea

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong September 9, 2018, Linggo, ay binahagi ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ang first teaser/trailer ng pelikula nila ni Aga Muhlach na dinirek ng multi-awarded director, husband ni Toni Gonzaga, na si Paul Soriano.

Sa nasabing post na humakot na ng halos 300,000 views, at umani ng maraming reaksyon at komento.

Ang isa sa nagcomment sa nasabing post ay walang iba ang asawa ni Aga Muhlach na si Charlene Gonzales.

Gaya na lang ng maraming mga comments ng netizens, walang ibang nasabi si Charlene kung hidnid:

"Beautiful @beaalonnzo Can't wait to watch"

At nireplayan naman ito ni Bea:

"@itsmecharleneg thank you! #kilig"

Ang nasabing trailer ay nagpapakita kay Aga Muhlach bilang isang adviser na nagsasabi sa mga tao kung anong negosyo ang worth ng kanilang investment.

Si Bea Alonzo naman ay gumaganap ng isang happy-go-lucky young lady na papel, at sa parte ng video, makikita na sinabihan nya ang karakter ni Aga sa pelikula na "she's willing to take a risk."

Shinoot ang pelikulang First Love sa Canada na produced ng Ten17p, Viva Films at Star Cinema.

Ibinahagi namin ang trending trailer ng First Love movie nina Bea Alonzo at Aga Muhlach kamakailan lang.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel