Babaeng nakipag-date, ninakawan daw ng mahal na cellphone ng lalaking nakilala sa dating site

Babaeng nakipag-date, ninakawan daw ng mahal na cellphone ng lalaking nakilala sa dating site

- Binahagi ng isang babae kung paano siya nanankawang ng cellphone ng lalaking nakilala lamang niya sa isang dating app

- Dinitalye ng babae kung paano unti-unting tinakbo ng lalaki ang kanyang cellphone

- Laking sisi ng babae na napaniwala siya sa mga mabulaklak na salita ng lalaking magnanakaw lang pala ng cellphone niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nahihiya man sa sarili ngunit binahagi na rin ni Pam Benitez ang kakaibang karanasan niya sa lalaking nakilala sa isang dating app.

Nalaman ng KAMI na naganap ito ngayong buwan ng Setyembre lamang at ang masama pa nito di lang si Pam ang naging biktima ng lalaking nagpakilala bilang Shaun.

Dinitalye ni Pam kung gaano ka-gusto ng lalaki na agad makipagkita sa kanya. Aminado si Pam na nadaan daw talaga siya sa mabulaklak na mga salita ni Shaun kaya naman agad siyang nakipagkita.

Nakapagtataka na nagdahilan daw umano agad ang lalaki na naiwan ng lalaki ang cellphone niya sa kotse na hiniram ng kanyang kapatid. Dahil dito hiniram ni Shaun ang cellphone ni Pam upang tawagan ang kapatid para madala ang wallet at susi daw ng sasakyan. Sinabi pa ng lalaki na gusto niyang ihatid si Pam pagkatapos ng kanilang date.

Kampante naman daw si Pam dahil sa naka-speaker pa si Shaun habang kausap daw nito ang "kapatid" nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa pumunta sila sa coffee shop at dahil wala ang wallet ng lalaki, si Pam ang bumili ng kanilang inumin. Doon, muling tinawagan ni Shaun ang kapatid at sa puntong iyon, lumabas na ang lalaki.

Nililingon naman daw ni Pam si Shaun at nakikita pa niya ito sa ilang tingin niya. Ngunit nang malingat ang kanyang paningin dahil sa nag-re-touch lamang daw siya, tuluyan nang nawala si Shaun.

Alerto naman si Pam na agad sinubukang kontakin si Shaun sa cellphone niyang natangay nito. Dahil bukas ang internet ng kanyang cellphone, na-trace pa ni Pam ang kinaroroonan ni Shaun sa pamamagitan ng app na Find my android.

Kamalasan, nawala na nang tuluyan ang cellphone ni Pam na tangay ng manloloko at magnanakaw sa dating app.

Samantala, nilinaw ni Pam na binahagi niya ang post upang bigyang babala ang iba lalo na ang mga laman ng mga dating sites upang maging mapagmatyag sa mga taong nakikilala lamang nila roon.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel