Kim Chiu, inamin umano na takot mawala ang mga taong sumusuporta sa kanya

Kim Chiu, inamin umano na takot mawala ang mga taong sumusuporta sa kanya

- Ayon pa sa balita, aminado raw ang Chinita Princess na hindi nya strength ang hosting, pero nagpapasalamat din naman sya sa pagkakataon na maging host

- Isa sa mga hosts ngayon si Kim Chiu sa bagong reality-based talent search show ng ABS-CBN ang Star Hunt

- Sa panayam ng press people sa kanya, napaamin daw ang Kapamilya actress sa mga takot nya tungkol sa mundo ng showbiz at kanyang karera

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa PEP, ginanap ang presscon ng bagong reality-based talent search show ng Kapamilya network ang Star Hunt noong September 5, Miyerkules sa ELJCC Building sa compound ng ABS-CBN sa Quezon City.

Nalaman ng KAMI na dito raw nagpahayag ang 28 years old actress at isa sa mga hosts ng Star Hunt tungkol sa oportunidad na maghost at inireveal din nya ang kanyang mga takot.

Ani ni Kim:

"Masaya, very thankful. Hindi ko talaga kayang mag-host, so happy ako na binigyan ako ng opportunity na ganitong show."

12 years na pala si Kim Chiu sa showbiz pero, ayon pa sa balita, gaya daw ng ibang mga artista, hindi naman umano laging nasa itaas ang kanyang karera.

Nakakaramdam na daw sya ng pangamba na baka hindi na umano sya magtagal sa industriya.

Saad ng aktres:

"Hindi naman talaga maiiwasan yan, darating talaga yung hindi naman laging masaya, e. Hindi naman laging level 10 yung saya mo dito sa showbiz."

Dagdag pa ni Kim:

"Akala mo lang maayos, maganda, pero may kanya-kanya rin kaming struggle. May kanya-kanya rin kaming, 'Anong susunod ko? Anong gagawin ko? Susuportahan pa ba ako ng mga tao?'"

Pagpapatuloy na pahayag ng aktres ay napaamin sya sa mga takot nya sa showbiz at kanyang karera.

Sabi ni Kim:

"Lahat kami meron kaming fear, fear of mawala na ang mga taong sumusuporta.Tapos mawala ang pangarap naming manatili dito sa showbiz. Laging nandiyan yan."

Patuloy na pag-amin ni Kim:

"Gusto naming mag-entertain, gusto naming mag-inspire ng tao: don ka lang kami naka-hold lagi."

At pagkaklaro nya sa maling akala ng ibang tao:

"Yung sinasabi nila na hindi lagi nasa taas. Minsan nasa baba ka rin para manginig ka nang konti, 'O, Kim, ganyan…'So gagalingan mo ulit, magsisipag ka ulit. Parang lifeline ang buhay namin sa showbiz.But at the end of the day, nagawa mo yung gusto mong gawin"

Bukod sa show na ito ay nagshoshooting si Kim Chiu kasama ang Kapuso aktor na si Denise Trillo para sa isang movie.

Kasama ni Kim Chiu na host sa Star Hunt ay sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Alex Gonzaga.

POPULAR: Read news more about Kim Chiu here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel