DOJ, nirespeto ang desisyon ng korte ukol sa arrest warrant kay Trillanes

DOJ, nirespeto ang desisyon ng korte ukol sa arrest warrant kay Trillanes

- Ayon kay DOJ Sec. Guevarra, nirerespeto niya ang desisyon ng mga korte sa Makati

- Naka-schedule ang hearing kay Trillanes sa Huwbes at Biyernes

- Kahit na sinabi ng DOJ na hindi na kailangan ng hearing ay hindi naman sumangayon ang mga judge dito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na tinatanggap naman nila ang naging desisyon ng Makati Regional Trial Court (RTC) na magsagawa ng hearing para sa pag-issue ng warrant of arrest kay Senador Trillanes.

Ang RTC-Makati Branch 150 Judge na si Elmo Alameda ay nagpasya na magkaroon ng hearing sa Biyernes, Setyembre 14, ukol sa pagkasangkot ni Sen. Trillanes sa Manila Peninsula siege noong 2007.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nag-file rin ng petition para sa arrest warrant at travel ban ang DOJ laban kay Trillanes sa RTC-Makati Branch 148. May kinalaman rin ito sa kasong isinampa kay Trillanes tungkol sa Oakwood mutiny noong 2003.

Matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 572 na nagsasabing walang bisa ang amnestiyang ibinigay kay Trillanes noong 2011, naghain ng petition ang DOJ laban kay Trillanes at sinabing hindi na kailangan ng hearing para dito.

Subalit, hindi sumangayon ang mga judge dito kaya naman tuloy pa rin ang mga hearing kay Trillanes.

Sa nakaraang post ng KAMI, hindi pa rin aalis si Senador Trillanes sa Senate building kahit na wala pang warrant of arrest ang inihain laban sakanya. Sinigurado rin naman ng PNP Chief na si Oscar Albayalde na hindi nila aarestuhin si Trillanes lalo na kung walang warrant of arrest.

POPULAR: Read more about Sen. Trillanes here!

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel