X-Factor UK judges standing ovation sa dating The Voice Kids PH contestant

X-Factor UK judges standing ovation sa dating The Voice Kids PH contestant

- Hot trending ngayon ang isang 17-year-old Pinay singer sa online world dahil winindang lang naman nya ang X-Factor UK stage

- Kinanta ni Maria Laroco ang classic hit song ni Prince na Purple Rain, at naghiyawan ang audience sa galing ng dating The Voice Kids PH contestant

- Wala ng ibang nagawa sina Simon Cowell, One Direction's Louis Tomlinson, Ayda Field and Robbie Williams kung hindi napa-standing ovation na lang sila sa galing ng Pinay

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data

Laman nga ng balita ngayon here and abroad ang waging-waging standing ovation na ibinigay ng kilala at sikat na X-Factor judges na sina Simon Cowell, Louis Tomlinson ng One Direction, Ayda Field, at Robbie Williams kay Maria Laroco, ang 17-year-old Pinay contestant sa show.

Una naming naispatan ang masaya at nakakaproud na balita sa PEP at Push, at talaga namang dapat ibunyagi ang tagumpay hindi lang para sa isang Pinoy kung hidin para na rin sa mga kabataan na nais maabot ang mga pangarap nila.

Naniniwala ang KAMI na kung may tiyaga at sikap sabayan ng magandang pang-uugali ay maabot rin ang pangarap gaya na lang ng nangyari kay Maria Laroco.

Sa pagsalang nya sa entablado ay makikita na tila ninerbyos pa ang dalaga, kung tayo ba naman ang makaharap kina Simon Cowell na mag-audition ay siguro ganun din ang mangyayari.

Pero binigla nya ang lahat ng simulan nyang kantahin ang isa sa pinakamalaki at mahirap na kanta na isang classic hit song ng yumayapang si Prince, ang Purple Rain.

Hindi pa man natapos ang kanta ay napatayo na lang si Robbie Williams,na nangiyak ngiyak pa habang kuhang kuha ni Maria ang kanta ni Price, at tinaas ng kamay dahil sa bilib kay Maria Laroco, at sumunod sina Ayda Field at si Louis Tomlinson.

Pinatapos naman ni Simon ang Pinay na kumanta bago ito tumayo.

Napa "Wow" at "OMG!" na lang ang mga judges ng sikat at malaking talent reality television competition show

Bago pa kumanta si Maria sa kanyang audition piece ay tinanong sya kung bakit bumiyahe talaga sya ng malayo para lang magperform sa X-Factor UK stage.

Sagot naman ng dalaga:

"Since I was a little girl, I've always wanted to be an international super star. I want to be big that's why I’m doing this because I love to do it and this is my dream."

At mukhang umpisa na matutupad ito dahil standing ovation lang naman sya hindi lang ng mga libo-libong tao sa audience kung hindi pati na rin ang apat na judges na sobrang na impressed sa ginawa nya.

Ani pa ni Louis Tomlinson, dating One Direction:

"That was absolutely incredible. To do what you've done at 17, vocally, you absolutely blew me away."

Sinabi pa ni Simon kay Maria:

“So you are 17 years old and you've flown all the way which is a long trip. You've taken probably one of the biggest songs in the world. I'm gonna go beyond billion yeses. I'm gonna give you infinity yeses."

Si Maria Laroco ay 3-chair turner din noong nag-auditioned sa The Voice Kids Philippines noong 2014 noong 13 years old pa lang sya.

Pinakilala siya dati bilang si Giedie Laroco, at kinanta nya ang Power of Love.

At dahil sa kanyang angking galing, lahat ng tatlong judges na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga ay napalingon sa kanya.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel