Palasyo, siniguradong ginagawa ni Pangulong Duterte ang lahat para bumaba ang inflation

Palasyo, siniguradong ginagawa ni Pangulong Duterte ang lahat para bumaba ang inflation

- Sinigurado ni Presidential spokesperson Harry Roque na ginagampanan ng President ang kanyang tungkulin

- Dagdag niya pa, ginagawa ni Pangulong Duterte ang lahat para mapababa ang inflation

- Sinabi niya ring hindi panakip sa issue ng inflation ang kaso kay Sen. Trillanes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ginagawa ni Pangulong Duterte ang lahat para maibsan ang inflation rate ng bansa na umabot na sa 6.4% noong Agosto.

“The President and the administration are not sleeping on the job,” sinigurado ni Roque sa isang speech sa Palasyo.

Nalaman ng KAMI sa Manila Bulletin na sinabi rin ni Roque na nag-authorize na ang gobyerno sa importasyon ng palay, isda, at karne. Sinigurado rin nilang maipatupad nang tapat ang suggested retail price (SRP) ng mga bilihin at nakakapagbigay pa rin silang subsidiya sa mga mahihirap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Malaking dagok sa bansa ang pagtaas ng presyo ng langis pero hindi pa rin daw susukuan ng administrasyon ito.

Kahit na maraming kontrobersiya ang kinakaharap ng gobyerno ngayon, kasama na ang pagbawi ng amnestiya ni Sen. Trillanes, sinigurado ni Roque na walang kaugnayan ito sa pagtakip ng issue tungkol sa inflation.

Sa nakaraang balita ng KAMI, sinisi ni Pangulong Duterte ang kanyang kaibigang si Donald Trump, ang Presidente ng United States of America, sa inflation na naganap sa ating bansa. Aniya, sa America nagsimula ang lahat dahil gusto ni Trump taasan ang mga tariffs sa America.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel