Dagdag singil sa taxi, 'masakit sa bulsa' ng mga commuters ngayon

Dagdag singil sa taxi, 'masakit sa bulsa' ng mga commuters ngayon

- Nagpatupad ang LTFRB ng bagong fare scheme sa mga taxi ngayon

- Kahit na 8% pa lang ang na-re-recalibrate na mga taxi ay marami na rin ang apketadong commuters

- Ayon sa isang commuter, halos P50 ang nadagdag na singil sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang ilang buwan ay iniinda pa rin ng mga commuters ang dagdag singil ng mga taxi ngayon. Nagsagawa ng bagong panukala ang Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) na i-re-recalibrate ang mga metro ng mga taxi ngayon.

Nalaman ng KAMI na sa mga recalibrated meters, nananatiling P40.00 ang flagdown rate. Ngunit ang dating P3.50 na singil per 300 meters ay naging P13.50 na kada kilometro. Mayroon ding dagdag singil na P2.00 sa bawat minuto na tumatakbo ang taxi.

P3.50 naman ang charge kada dalawang minuto na naghihintay o nakahinto ng mga taxi na hindi pa recalibrated ang metro.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon, halos 8% pa lang na mga taxi ang na-re-recalibrate. Ayon sa LTFRB, 100 kada araw lamang ang kaya nilang i-recalibrate na metro.

Ngunit hinaing naman ng mga pasahero ay ‘masakit sa bulsa’ ang dagdag singil na ito. Sa isang nakapanayam ng Bandila, news program sa ABS-CBN, sinabi ng commuter na halos P50 ang nadagdag sa singil mula sa hindi recalibrated na metro hanggang sa bagong pinatupad na fare scheme ngayon.

Giit din ng isang commuter na mas mabuti pang mag-jeep na lang upang mapagkasya ang budget. Lalo na sa traffic ngayon at kapag rush hour lalo.

Sa dating report ng KAMI, nabalitaan ang inflation rate na 6.4% kaya naman apektado ang lahat sa dagdag presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel