Daanin na lang sa sayaw! Video ng guro na todo hataw sa pagsayaw ng "Booom booom', nagviral

Daanin na lang sa sayaw! Video ng guro na todo hataw sa pagsayaw ng "Booom booom', nagviral

- Nag-viral ang video ng isang guro na todo hataw sa pagsayaw ng 'Booom booom' ng Momoland

- Tuwang tuwa ang mga estudyante ng 'cool' na guro sa pagsasayaw nito

- Di lahat ng netizens ay nasiyahan sa ginawa ng guro na halata raw na ang guro ang nag-set mismo para mai-video siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kabi-kabila na ang balita na tungkol sa pagpapatiwakal ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ngayon lamang taong ito, apat na ang napabalitang nagpatiwakal at di na kinaya ang mga trabahong iniatang sa kanila ng DepEd.

Kamakailan lamang, naunang maibalita na ng KAMI ang pagkitil ng sariling buhay ng isang lalaking guro na iniwan ang kanyang misis at tatlong anak.

Taliwas dito, mayroon din namang mga guro na nagagawang pagaanin ang sandamakmak na trabaho raw ng DepEd.

Gaya na lamang ng nag-viral na video ng isang gurong lalaki na todo hataw sa pagsasayaw sa harap ng kanyang klase.

Nalaman ng KAMI na todo sa pagsasayaw ang guro sa saliw ng sikat na sikat na sayaw ngayon ng grupong Momoland ang "Booom booom".

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang video mula sa mga netizens. Ang ilan, tila nagawa pang mabatikos ang guro sa pagvi-video pa raw ng sayaw na mukha namang siya lang daw ang may gusto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Tama yan sir.para mga studyante nyu masaya sa pag pasok nila.d iniisip na sungit ng titser ko..d ako ppasok hehe.."
"Yan ang gusto kung teacher masayahin sa mga student niya..tama lng yan basta wg lng oras ng class."
" Kong gnyn ang teacher ko plgi ako ppsok"
"gooy hinay hinay lang sir (este maam), hindi porket pacool na video ay magandang tingnan... minsan nakakasira yan ng dignidad ng mga teacher, nakakawalang respesto... Halata kasi ikaw mismo ang nagset para mavideohan ka habang sumasayaw sa loob ng klase, OK lang yang kung nasa school stage ka at may program... Magagalit si Sec. Briones nyan...."
"Set as best example..Congrats! You did it! Dpat example natin na...di dapat ikahiys ang talentong bigay ng Diyos..yung gumagawa kya ng MASAMA , hindi NAHIHIYA.."
"Soooo graceful....ang galing mo Sir !!!'
"Buti ginagalang pa kayo"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel