Trillanes, hindi pa aalis ng Senate building ano mang oras

Trillanes, hindi pa aalis ng Senate building ano mang oras

- Sa isang press con, sinabi ni Sen. Trillanes na hindi siya aalis muna sa Senate building

- Giit niya, mas safe ito at hindi siya mahuhulog sa patibong ni Pang. Duterte

- Kinumpira rin niyang hindi totoo ang mga balitang pinapaalis siya ni Senate President Tito Sotto sa Senado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang press conference, iginiit ni Senador Trillanes na hindi siya pinapaalis ni Senate President Vicente “Tito” Sotto sa Senate building. Wala ring palugit na ibingay sa kanya kung hanggang kalian lang siya pwede mamalagi sa Senado.

Nalaman ng KAMI sa Rappler na may mga balita noon na sinabi ni Tito Sotto na, “Mahiya naman sila sa akin, 'wag naman nila abusuhin,” patukoy sa mga nag-se-stay sa building na ikinagulat din ng marami. Ngunit klinaro naman ito ng Senate President na para ito sa mga supporters ni Sen. Trillanes.

Nang tanungin si Trillanes kung ano ang kanyang plano sapagkat pwede naman siyang umalis na sa building dahil wala pa namang warrant of arrest laban sa kanya, sinabi niyang mas safe na ang mamalagi muna siya sa Senado.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Iginiit din ni Senador Trillanes na hindi siya magpapahulog sa mga patibong ni Pangulong Duterte. Aniya, “Remember ito si Duterte he's notorious for lying to the public,”

Diniin niyang may mga order pa rin ang Presidente sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na arestuhin siya kahit walang warrant.

Sa nakaraang post ng KAMI, sinigurado naman ng PNP Chief na si Oscar Albayalde na walang sinuman ang aaresto kay Senador Trillanes hangga’t walang court order ang nakahain laban sa kanya.

POPULAR: Read more about Sen. Trillanes here!

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel