Ang cute! Picture ng baby na ibinahagi ni John Lloyd Cruz, usap-usapan online

Ang cute! Picture ng baby na ibinahagi ni John Lloyd Cruz, usap-usapan online

- Muling naging usap-usapan ang Instagram post ni John Lloyd Cruz

- Sa kanyang post, isang video clip ang nagpapakita ng larawan ng isang sanggol

- Naging palaisipan tuloy kung ito na nga ba abg anak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maingay na naman ang usap-usapan tungkol sa anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ito ay matapos magbahagi ng video clip ang aktor na nagpapakita ng litrato ng isang baby.

Marami ang naniniwalang ito ang kanilang anak. Marahil daw ay hindi na napigilan ni John Lloyd na ibahagi ang litrato ng napaka cute na anak.

Lalong nagiging kapana-panabik para sa mga netizens ang pagsilay sa kanilang supling.Simula kasi nang magbuntis ang aktres ay nanatiling pribado at tikom ang bibig ng dalawa.

Kaya naman, marami ang nag-aabang na isapubliko na nila at ibahagi ang kanilang baby.

Sa kanyang Instagram account na kung saan ibinabahagi niya ang mga bagay na may kaugnayan sa sining, ibinahagi ni John Lloyd ang isang video clip na kung saan kung hindi mo tititigan ng maigi ay hindi mo mapapansin na litrato pala ng isang baby ang nakikita doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila naman marami ang nakumbinsing ito ang kanilang anak na si Elias Modesto na ipinangalan nila sa yumaong ama ni Ellen.

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Lumitaw siya sa ilang mga covers ng magazine.

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Sya ay ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel