Babaeng may malubhang karamdaman na pinakasalan pa rin ng nobyo, pumanaw na

Babaeng may malubhang karamdaman na pinakasalan pa rin ng nobyo, pumanaw na

- Nag-viral kamakailan ang post tungkol sa babaeng may malubhang karamdaman na pinakasalan pa rin ng kanyang nobyo

- Nakaratay na noon sa ospital si Maria Rechie Ramos nang sila ay ikasal ni Alexander Idul

- Isang linggo matapos mag-isang dibdib, pumanaw na rin si Renchie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umapaw ang emosyon nang pakasalan pa rin ni Alexander Idul ang kanyang nobyang si Maria Ramos na noon ay nakaratay na sa ospital.

Nalaman ng KAMI na dalawang buwan na sa pagamutan si Rechie mula nang ma-diagnose ito ng ovarian cancer noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ngunit isang linggo lamang, matapos ang emosyonal na pag-iisang dibdib nina Rechie at Alexander, pumanaw na rin ang 35 anyos na si Renchie.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pitong taong nagsama ang dalawa at biniyayaan sila ng tatlong anak. Isa rito ay anak ni Rechie sa unang nobyo.

Sa tagal ng kanilang pagsasama, di naging prioridad ang pagpapakasal lalo pa nang malaman nila ang malubhang karamdaman ni Rechie noong Disyembre ng 2017.

“Pareho naming gusto magpakasal. Kung baga kung ano ang gusto niya ibibigay sa kanya lahat, ganyan ko siya kamahal,” kwento ni Alex.

Masakit man daw para Alexander, alam niyang malalampasan din naman niya ang pagsubok na ito sa kanyang buhay lalo pa at mayroon silang mga anak na dapat pang arugain at kalingain.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel