73 taong gulang na lola, nagbebenta pa rin ng isda para buhayin ang kanyang apo

73 taong gulang na lola, nagbebenta pa rin ng isda para buhayin ang kanyang apo

- Nagtatrabaho pa rin ang 73 taong gulang na lola para sa apo

- Handa raw siyang magtrabaho nang hanggang 85 taong gulang mapagtapos lamang niya ang kanyang apo

- Siya na ngayon ang tumatayong ina at ama ng kanyang apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa rin iniinda ni Lola Concepcion Manasis Mercado ang hirap sa pagkayod niya para sa pinakamamahal na apo.

Nalaman ng KAMI na 73 taong gulang na si Lola Concepcion ngunit nagagawa pa rin niyang maglako ng isda na siyang kinabubuhay nialng mag-lola.

Dalawang taong gulang pa lang noon si Angel Mae Lagda Cornejo nang siya ng kanyang mga magulang kay lola Concepcion.

Parehong may iba nang pamilya ang mga magulang ni Angel Mae kaya naman si Lola Concepcion na ang tumatayong ama at ina ng kanyang apo.

Maagang gumigising si lola Concepcion para ipaghanda ng almusal ang apo na papasok sa paaralan.

Pag nakapasok na ang apo sa eskwela, tutungo ng palengke si Lola Concepcion upang manghingi ng isda n kanya namang ilalako.

Buti na lamang at may kaibigan si Lola concepcion na nagsa-side car kaya naman naisasaky siya nito sa paglalako.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Labis na humahanga ang mga nakakakilala kay lola Concepciondahil sa sipag at tiyaga nito para sa pinakamamahal niyang apo.

Samantala, labis din naman mahal ni Angel ang kanyang lola. Katunayan, nais niyang maging doktor balang araw dahil sa kagustuhang magamot ang lola na may iniinda na raw sa kanyang hita.

Dahil dito, nangako naman si Lola Concepcion na sisikapin niyang maghanapbuhay hangga't kaya pa niya sapagkat wala na siyang ibang ipapamana sa kanyang apo kundi ang edukasyon.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel