Super galing! Alden Richards, humakot ng parangal sa PMPC Star Awards for Music

Super galing! Alden Richards, humakot ng parangal sa PMPC Star Awards for Music

- Nag-uwi ng tatlong tropeyo si Alden Richards mula sa PMPC Star Awards

- Kinilala ang kaniyang awitin at naipalabas na album

- Labis naman ang pagpapasalamat ni Alden sa karangalang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling pinatunayan ng Pambansang Bae na si Alden Richards na isa siya sa mga tinitingalang personalidad pagdating sa music nang makatanggap ito ng mga parangal.

Nalaman ng KAMI na ginawaran ng tatlong tropeyo ang aktor sa katatapos pa lamang na PMPC Star Awards for Music.

Isa sa mga natanggap ng Victor Magtanggol star ang Male Pop Recording Artist of the Year (2017) para sa kaniyang awitin na “Say It Again.”

Ang kanya ring album na may pamagat na “Say It Again” ay ginawaran ng dalawang pagkilala kabilang na ang Album of the Year at Pop Album of the Year.

Si Alden ang isa sa mga nakatanggap ng pinakamaraming pagkilala sa nasabing okasyon.

Hindi naman napigilan ng aktor na magpahayag ng saloobin sa isang maikli ngunit puno ng emosyon na Instagram story.

“Maraming salamat po, PMPC,” tugon ni Alden habang pinapakita ang kaniyang mga tropeyo.

Naganap ang prestihiyosong awarding sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila nooong Linggo, September 9.

Super galing! Alden Richards, humakot ng parangal sa PMPC Star Awards for Music

Photo via GMA Records
Source: Instagram

Sa nakaraang ulat ng KAMI, gumawa ng sarili niyang version ng pag-amin si Alden tungkol sa tunay na estado nila ni Maine Mendoza.

Isinilang noong January 2, 1992, kilala si Alden bilang isang aktor, TV Host, model, at recording artist. Mas lalo siyang sumikat nang makatambal ang “Dubsmash Queen” na si Maine sa noontime show na “Eat Bulaga.”

Naging mabenta din ang nasabing aktor sa takilya dahil sa mga pelikula nitong Meant To Beh, Imagine You and Me, at My Bebe Love.

POPULAR: Read more news about Alden Richards!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel