Batang Steph Curry ng Pilipinas, pinabilib ang netizens

Batang Steph Curry ng Pilipinas, pinabilib ang netizens

-Naiyak sa tuwa si Justine Remo, 13 taong gulang, nang makaharap ang kanyang idol na si Stephen Curry ng NBA, ilang netizens naman ang natouch at bumilib kay Justine

-Tinagurian itong 'Batang Steph Curry ng Pilipinas' dahil sa husay nito sa larong basketball na katulad ng kay Curry

-Nakamit ni Justine ang pangarap sa tulong ng Kapuso Mo Jessica Soho program

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaluha sa tuwa at saya ang batang si Justine Remo ng makaharap ng personal ang kanyang idolo na si Stephen Curry. Hindi kasi nito inaasahan na matutupad ang pangarap niya.

Ngunit sa tulong ng programang 'Kapuso Mo Jessica Soho' nakaharap nito ang iniidolong NBA star. Ilang netizens naman ang napabilib sa batang tinaguriang 'Batang Steph Curry ng Pilipinas'.

Netizen: "Galing nung bata... skills are far and waaaaayy better than mine... goodluck kid."

Netizen: "Wow galing mo boy."

Netizen: "Ang galing ni Justine!!"

Netizen: "Wow Swerte ni Batang curry. Congrats keep up batang curry."

Netizen: "WOAH..!!!Ang galing nung bata.. pati si stephen curry napahanga nia. ..even me hihihi.. may future sya.. goodluck boy..sana makalaro ka sa pba someday."

Batang tinaguriang 'Batang Steph Curry ng Pilipinas', naiyak nang ma-meet ang totoong Steph Curry

Photo source: Kapuso Mo Jessica Soho

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Malugod naman itong binati ni Curry at niregaluhan pa ng isang pares ng sapatos at jersey na may pirma nito. Maging ang bolang regalo ng KMJS, ay pinirmahan din ng NBA star na tinaguriang Baby-faces assassin.

Dito rin naganap ang isa pang pangarap ni Justine, ang makalaro ang kanyang idol sa court. Tila naman impressed at nagulat si Curry sa angking galing ng 13 taong gulang na fan.

Nasa bansa ngayon si Curry para sa kanyang Asian tour para sa isang brand na kanyang ineendorso.

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel