Maja Salvador, grabe na ang yaman at nakakawindang ang kanyang pinagmamay-ari

Maja Salvador, grabe na ang yaman at nakakawindang ang kanyang pinagmamay-ari

- Tila lahat ng pinagpaguruan ni Maja Salvador ay nagbunga na dahil ngayon isa na syang certified yayamanin talaga

- Kung gaano kayaman ang Kapamilya aktres, ginawan na sya ng isang buong YouTube video ng isang channel na located sa Amerika

- Sa naturang video ay pinakita kung anu-ano ang mamahaling mga bagay ang pinagmamaya-ari na ng Dance Princess

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi makakaila na si Maja Salvador ang isa sa pinaka bankable at sikat na artista sa local showbiz industry ngayon.

Mukhang halos lahat ng teleserye sa Kapamilya network ay nakikita o bahagi sya gaya na lang ng Wildflower, The Legal Wife, Minsan Lang Kita Iibigin, at Ina, Kapatid, at Anak.

Hindi pa kasali ang mga movies, shows, concerts, at endorsements nya rito.

Kaya naman ginawan sya ng isang video ng STARS NEWS [ Asia ] na ang gumaw ng channel na ito sa YouTube ay nasa Amerika, ayon na rin sa kanyang location sa about, profile nito.

Una naming naispatan ang video sa Socialpees.

Nakakalula ang yaman ni Maja Salvador, ayon na rin sa nakuhang impormasyon ng KAMI mula sa nasabing YouTube video na naging viral na.

Ayon pa rito, ang net worth ni Maja Salvador ay $1-3 million, ang published date ng nasabing video ay Aug 19, 2017.

Kung ating icoconvert, ang net worth pala ni Maja ay 53,922,000.00-161,766,000.00 php.

Dagdag pa sa video, nagmamay-ari daw si Maja ng mga luxury cars gaya ng Lamborghini, BMW, at Ford F-150 van.

Nagmamay-ari din umano si Maja ng mga bahay at mga magagarang fashion designer clothes at shoes, at marami pang iba.

Bumuhos naman ng maraming reaksyon ang naturang video galing sa mga netizens.

"Sa sobrang sipag ni Maja at sobrang bait kaya maraming blessing ni God sa kanya nagpa aral pa ng mga kapatid nya kaya nman hanga kami sa kanya we love Maja"
"Sana mas yumaman ka pa.. mabait ka kaya Bless ka ni GOD"
"maganda nA mayaman Pa! san ka pa edi maja Na!"
"Wowwwwwwww u desrved that idol"

Hindi naman ito kumpirmado pero noong October 5, 2017, ay binigyan sya ng isang brand new S.U.V. (Sport Utility Vehicle) Isuzu mu-X na isang birthday gift.

Ito ay parte sa pagiging endorser nya sa nasabing kotse, ayon pa sa balita ng PEP.

Ang nasabing orange orange luxurious Lamborghini, ay dating binalita ng ABS-CBN na isa sa wildest dreams ni Maja na gusto nyang magkaroon pero hindi kinumpirma ang pagmamay-ari ng aktres nito.

At yung BMW na kotse, ay ang ginamit nya sa eksena sa Wildflower na hindi din naman confirmed kung kay Maja ba talaga ito.

Kung ano man ang totoo o hindi, hindi maikakaila na totoong in-demand at bankable star si Maja Salvador ngayon, at for sure, yayamanin na din ang aktres.

Gayunpaman, yung easy modern living na bahay nya ay naibalita na rin namin dito noon.

Unang nakilala si Maja Salvador sa Kapamilya teleserye na It Might Be You bilang si Cara Victorino noong 2003 hanggang naging si Lily Cruz / Ivy Aguas ng Wildflower.

POPULAR: Read more news about Maja Salvador here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel