11 Tinitilian na mga matinee idols at leading ladies, Lola at Lolo na ngayon!

11 Tinitilian na mga matinee idols at leading ladies, Lola at Lolo na ngayon!

Dahil kamakailan lang ay ipinagdiwang natin ang araw ng mga Lola at Lolo, kaya naman ating silipin ang mga 7 fab at famous celebs na grandparents na rin.

Sila lang naman ay ang mga iilan sa pinakasikat na artista noon na tinitilian ng husto ng mga kakabaihan at hinahangaan ng mga kalalakihan.

Pero kahit mga Lola at Lolo na sila, wala pa ring kakupas kupas ang kanilang mga alindog at angking kagandahan at kagwapohan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Every first Sunday ng September ay ipinagdidiwang sa buong mundo ang 'Granparents Day,' kaya naman noong September 9, 2018, isa namang annual na selebrasyon at tribute ang ginawa para sa ating mga Lola at Lolo.

Kaya naman nagbigay rin ng pagkilala ang ABS-CBN News sa mga sikat na Pinoy celebrities na dating mga top matinee idols at leading ladies sa pinilakang tabing na ngayon ay extremely proud at happy grandparents na.

Dahil ang KAMI ay naniniwala sa pagbigay pugay at respeto sa ating mga Lola at Lolo sa Grandparents Day, ibinabahagi rin naman ngayon ang iilan sa ating mga kilalang showbiz stars sa kanilang 40s, 50s, at 60s, na tila nakahanap ng kani-kanilang fountain of youth.

1. Vic Sotto

Wala pa ring kakupas kupas ang kapogihan ng Eat Bulaga dabarkads bossing na si Vic Sotto, at ang number one fan nya ay walang iba kung hindi ang kanyang asawa na si Pauleen Luna.

Napahashtag nalang ang mommy ni baby Tali ng "pogi ng asawa ko," at agre na agree naman ang mga faney.

Lolo si Vic Sotto sa mga anak ng kanyang mga anak na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto, at proud na proud Lolo naman si bossing.

2. Dina Bonnevie

At dahil nabanggit natin ang pangalan nina Danica at Oyo ay hindi natin pwedeng hindi mabanggit ang ina sa dalawang mga anak ni Vic Sotto na si Dina Bonnevie.

Glamorous Lola naman talaga si Ms. D!

3. Christopher de Leon

Hindi pa man siguro Lolo si Christopher de Leon sa mga anak nya kay Sandy Andolong ay siguradong proud grandparent sya sa mga anak nina Ian de Leon, Matet de Leon, at Lotlot de Leon.

Noon at ngayon, isa pa rin sa hinahangaang aktor.

4. Lorna Tolentino

Ang grandslam best actress queen na si Lorna Fernandez ay isa na ring Lola sa apo nya sa eldest son nyang si Ralph Fernandez.

5. Aga Muhlach

Wala ring kakupas kupas ang ka pogihan ni Aga Muhlach. na hindi namamalayan na isa na rin palang Lolo ang kinababaliwan ng mga kababaihan noon.

Ang anak nila ni Janice de Belen na si Iggy Boy Muhlach ay isang proud daddy na rin, at talaga namang binigyan ng cue apos ang kanyang mommy at daddy.

6. Janice de Belen

At kahit Lola na si Janice de Belen ay wala pa ring kupas ang kanyang kagandahan dahilan na nabighani ang dalawang gwapong aktor sa kanya si Aga at si John Estrada noon.

7. Albert Martinez

Kung papogihan lang naman ang labanan ay talaga naman kasali sa top list si Albert Martinez at halatang halata naman hanggang ngayon kahit Lolo na ang batikan at beteranong aktor.

8. Lani Mercado

Si Lani Mercado ay isa lang naman sa walanng kakupas kupas ang ganda at charm kahit may apo na.

9. Bong Revilla

Kahit ano pa man ang sabihin nila, si Bong Revilla ay isang napakagwapong Lolo.

10. Jean Garcia

Sinong mag-aakala na ang ganitong magandang aktres ay isa na ring certified Lola?!

11. Robin Padilla

At kung pag-uusapan rin lang natin ang ka-astigan at kagwapohan na Lolo ay pasok na pasok sa banga naman talaga si Robin Padilla.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel