PNP Chief, siniguradong hindi aarestuhin si Trillanes kapag walang court warrant

PNP Chief, siniguradong hindi aarestuhin si Trillanes kapag walang court warrant

- PNP Chief Oscar Albayalde, sinabing walang sino man ang aaresto kay Trillanes

- Ayon sa kanya, kailangan ng warrant of arrest laban kay Trillanes

- Subalit nagpadala pa rin sila ng mga tao sa Senado para mapanatili ang kapayapaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde, siniguradong hindi aarestuhin si Sen. Antonio Trillanes kapag walang inissue na warrant of arrest ang korte.

Napagalamanan ng KAMI sa Rappler na sa isang press conference na isinigawa sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde, “not even a senior police officer in his rightful mind, would arrest anybody without a warrant of arrest and without probably authority from the court,”

Idiniin ni Albayalde na walang sinuman ang aaresto kay Sen. Trillanes nang basta basta. Ito ay matapos tanungin kung kumpirmado na aaksyon ang pulisya sa pag-aresto kay Sen. Trillanes.

Ayon kay Chief Director Roel Obusan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinubukan nilang arestuhin si Sen. Trillanes ngunit nirepseto nila ang desisyon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na walang aresto ang mangyayari sa loob ng Senado.

Pero hanggang sa ngayon, nakabantay pa rin ang mga taga CIDG sa labas ng Senado para mapanatili ang kapayapaan, sekuridad at suporta.

Sa nakaraang report ng KAMI, linagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 572 kung saan binawi ng Pangulo ang amnestiya ni Sen. Trillanes. Nagbigay rin ng order si Duterte sa AFP at PNP na arestuhin si Trillanes.

POPULAR: Read more Sen. Trillanes here!

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel