Tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Duterte bumaba, ayon sa SWS survey

Tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Duterte bumaba, ayon sa SWS survey

- Bumaba ang tiwala ng publiko kay Pangulong Duterte ayon sa SWS survey

- Kahit na bumaba, nanatili pa rin ang rating ng Pangulo na "very good"

- 8 points ang nagbawas sa rating ng Pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS) namataan ang pagbaba ng tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Duterte. Kahit na bumaba, nanatiling nasa “very good” pa rin ang rating ni Duterte.

Nalaman ng KAMI sa Yahoo Philippines na bumaba ng 8 points ang tiwala ng publiko kay Duterte. Ang dating +65 noon ay naging +57 na ngayon. Ito ang pinakamababang naging rating ng Pangulo simula noong nahalal siya noong 2016.

Umabot ng 1,200 ang lumahok sa survey noong katapusan ng Hunyo kung kalian mainit ang issue tungkol sa pagtawag ng Pangulo kay God bilang “stupid”.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patuloy pa rin ang pagbatikos ni Duterte sa simbahan lalo na sa mga pari na ayon sa Presidente ay “most hypocritical institution in the Philippines today,” at sangkot sa mga kaso ng child abuse hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Matatandaan na ang Pilipinas ay isang Katoliko na bansa.

Kahit na may pagbabago sa paningin ng publiko kay Duterte, sinigurado naman ng Palasyo na ginagawa nila ang lahat para maibsan ang inflation at mapabuti ang ekonomiya ng bansa.

Sa nakaraang post ng KAMI, ang inflation ay umabot na sa 6.4%, ito ang naging pinakamataas sa loob ng halos isang dekada.

POPULAR: Read more about Duterte here!

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel