Duterte, hindi ipapakulong ang ibang binigyan ng amnestiya noon

Duterte, hindi ipapakulong ang ibang binigyan ng amnestiya noon

- Pangulong Duterte, ginamit ang 'presidential prerogative' sa Proclamation No. 572

- Ayon kay Duterte, hindi niya ipapakulong ang ibang sangkot sapagkat kaibigan niya ang mga ito

- Dagdag din niya na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang kontrobersiyal na pagbawi ng amnestiya na ibinigay kay Sen. Antonio Trillanes, nabagabag din ang ibang mga sundalo na binigyan rin ng amnestiya.

Ngunit napagalamanan ng KAMI na ayon sa Pangulo ay gamit niya ang ‘presidential prerogative’ sa pag-issue ng Proclamation No. 572 o ang pagbawi ng amnestiya sa mga nasangkot sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege noon.

Noong pumutok ang issue sa pagbawi ng amnestiya ni Trillanes, sinabi rin ni Quezon City 6th District Representative Jose Belmonte na posibleng lahat nang nag-apply para sa amnesitya kasabay ni Trillanes ay makukulong din.

Pero sabi ng Pangulo, “Wala man akong problema sa ibang nag-coup d’état, puro kaibigan ko man ‘yan. So sabi ko, bakit ko sila ipakulong?”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tanungin si Pangulong Duterte kung bakit si Trillanes lang ang ikukulong, sabi niya na ito ay 'presidential prerogative' na nakasaad sa Philippine Constitution.

“What is the lesson there? Bakit tinarget ko siya? Well, I only have one word. Pareho man tayo na nagta-trabaho lang rin. I will just quote, correct me if I’m wrong, ‘Do not do unto others, what you would not want – want them to do to you’,” sabi ng Presidente

Bukod kay Trillanes, kasama rin si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim at si Office of Civil Defense Deputy Administrator Nicanor Faeldon sa nabigyang amnestiya.

Depensa naman ng Pangulo na hindi niya target si Trillanes, sadyang may nakita lang si Solicitor General Jose Calida na mali sa application ng amnestiya ni Trillanes. Nagunit hindi rin naman klinaro ng Presidente kung inutusan niya si Calida tignan ang application o kusang ginawa ni Calida ito.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

Today our hosts Andre and Roi are going to test how physical appearance of a man affect the help he gets from other people in the Philippines. During this social experiment, they both will ask people to let them stay in their places for some period. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga pahiwatig? Yassi Pressman, nag-aalaga na rin ng ahas tulad ni Coco Martin

Mga pahiwatig? Yassi Pressman, nag-aalaga na rin ng ahas tulad ni Coco Martin

Mga pahiwatig? Yassi Pressman, nag-aalaga na rin ng ahas tulad ni Coco Martin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel