Batang napagtripan ng kapatid, nag-invisible daw

Batang napagtripan ng kapatid, nag-invisible daw

-Viral ang video ng batang napagtripan ng mga kapatid na tila takot na takot sa pagaakalang nag-invisible talaga siya

-Napagalaman ng KAMI na ang mga batang nasa video ay nakatira sa El Centro, California

-Bentang-benta naman ito sa mga Pinoy netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bata mula sa El Centro California ang napagtripan ng kanyang mga kapatid. Sa video, makikita ang bata na si Ezequiel Camacho ayon sa report ng Unilad, kasama ang isa sa kanyang kapatid na babae habang ang isang kapatid na babae din ang siyang kumukuha ng video.

Napagalaman ng KAMI, na ang 13 taon na si Jocelyn Camacho ang siyang nakaisip ng prank habang nagba-browse sa social video at makitang maraming 'disappearing' videos ang nagkalat. Kaya naman naisip niya ang idea na gamitin ito sa bunsong kapatid kasama ang isa pang kapatid na babae.

Batang napagtripan ng kapatid, nag-invisible daw

Photo source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa video, makikita ang dalaga habang kunwari ay ginagamitan ng mahika ang kapatid gamit ang isang kumot.

Habang ang batang lalaki naman ay tila bored at hindi kumbinsido sa ginagawa ng kapatid.

At nang tuluyan ng tanggalin ang kumot, at syempre pa ay nandoon lamang si Ezequiel, umarte ang dalawang dalaga na tila wala doon ang kapatid na bunso.

"No way, he is not here! He is not here!"

Para mas matakot ang kapatid, gumamit sila ng isang cellphone at kunwari ay nag-selfie ang isa sa kanila kung saan nakaupo ang batang lalaki.

At sa gulat ng bata, wala nga siya sa selfie sa cellphone at doon na nagsimulang mag-panic ito!

Bigla na lamang itong umiyak at sumigaw. Habang ang mga kapatid ay patuloy sa pag-arte.

"Do you here anything?" Tukoy nito sa pagsigaw ng batang lalaki.

Tila napikon ang bata at itinulak ang isang kapatid na patuloy pa rin sa prank.

"Did you see that? Something just pushed me."

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel