Huwag kasi bitter! Ogie Alcasid pinagsabihan ang pagbibigay malisya sa litrato kasama si Michelle

Huwag kasi bitter! Ogie Alcasid pinagsabihan ang pagbibigay malisya sa litrato kasama si Michelle

- Nagbahagi ng litrato si Ogie Alcasid sa kanyang Instagram

- Binigyan naman ito ng ibang kulay ng ibang mga netizens

- Sinagot naman ni Ogie ang mga negative comments na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyang nagbabakasyon ngayon si Ogie Alcasid sa Australia kasama ang kanyang anak na si Leila. Isang litrato ang kanyang ibinahagi sa Instagram kung saan makikitang kasama nila ni Leila ang kanyang ex na si Michelle van Eimeren.

Hinahangaan ng karamihan ang magandang relasyon ni Ogie sa pamilya ni Michelle maging sa asawa nito. Hiwalay na sila Ogie at Michelle nang maraming taon ngunit napanatili nila ang kanilang magandang pagkakaibigan.

Gayunpaman, may mga netizens na binigyan ng malisya ang nasabing post at nag post ng kanilang mga opinyon.

"Sorry guys ha, ngayon lang naman ako nag-comment ng ganyan, kung ano lang yong na feel ko nung makita ko yong pics, and I'm not againts sa kahit kanino sa kanila, pero pusong Pinoy talaga, e, sensitive sa ganyang situation. Sa ibang lahi maybe okay lang… but karamihan sa ating Pinoy may KIROT na kailangan itago na lang...Pasensya na yon lang talaga naramdaman ko para sa nasasaktan :( Ayoko ng makita pics nila. Hide ko na lang sya :(“

Sinagot naman ito ni Ogie. Sabi niya, "@babesdelossantos Love is word that only comes from above."

"Love is what keeps this world revolving and if we keep this in our hearts, it would be a better place.

"Try it Kapatid and all pain and anguish will be gone. God bless you.

Sagot naman ni @babesdelossantos, "Well kanya-kanyang acceptance lang yan… But 100% sure may nasasaktan deep inside and that’s a fact.”

Tugon ng singer-songwriter, "@babesdelossantos forgiveness is something we must learn."

"It is by the Grace of God that we learn this. God bless you."

Matagal nang hiwalay si Michelle at Ogie. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Leila at Sarah. Parehas na rin silang masaya sa kanilang asawa at pamilya.

Ikinasal si Ogie sa singer na si Regine Velasquez at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Nathaniel James Alcasid, o Nate.

Si Michelle naman ay ikinasal na rin sa Australia sa asawa nitong si Mark Morrow.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions!

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel