Jake Cuenca, tostado sa mga fans dahil sa kanyang tweet

Jake Cuenca, tostado sa mga fans dahil sa kanyang tweet

- Binatikos si Jake Cuenca dahil sa isang tweet na kanyang ibinahagi

- Tila kasi ang dating sa mga fans ng KathNiel ay may galit siya sa kanila

- Ito ay matapos maglabas ng opinyon tungkol sa RomCom na pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatanggap ng katakot-takot na batikos si Jake Cuenca mula sa mga fans dahil sa kanyang opinyon.

Hinimok niya ang mga movie goers na panoorin ang Goyo: Ang Batang Heneral na pinagbibidahan ng malapit na kaibigan niyang si Paulo Avelino. Binura na rin ang nasabing tweet na nagsasabing mas dapat panoorin ang mga ganitong klaseng pelikula kaysa sa mga rom coms.

Nagkataon naman na ang kasabayang pinapalabas ngayon sa sinehan ay ang The Hows of Us nina Kathryn Bernanrdo at Daniel Padilla.

"#goyo is a treasure! As Filipinos its our obligations to watch the film! It's our heritage our history more than rom coms we need to watch this film to learn. It's our local Lincoln!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa sinabi niyang ito, nag react lalo na ang mga fans nina Kathryn at Daniel. Dahil dito, humingi ng dispensa ang aktor.

"I would like to apologize for my tweet. I wasn’t pertaining to another film #thou aside from #goyo. It was wrong of me to compare genres but I wasn’t comparing both films because both films are great. Just happy to have variety in the cinema and we should support them all. My bad"

Narito naman ang reaksiyon ng ilang netizens.

hahaha nasaktan ang fandom.
Mas nasaktan si jake kasi nilalangaw ang movie niya, ahahaha
Kung langawin man kawalan yun sa mga taong di nakapanood.
Kaya nga napa-tweet si jake eh, kasi nasasaktan siya na nilalangaw ang movie nila hehe
Paano maging kawalan eh nasa history naman yan haha
1:16 Tinuturo yan sa school. At maraming history books dyan. Wag mo sabihin na hindi mo alam ang buhay ni Goyo kung hindi mo panonoorin ng movie?
Jusko mula elementary napag aralan yan. Shunga ka lang kung wala kang alam sa buhay ni Goyo. Lol
wala ka pakialam jake kung ano gusto namin panuorin para nman may sense mga pingagaggawa mo sa film or teleserye wala rin nman at saka hello ayaw ko nga panuorin si feeling conyo avelino kaloka ka
mas masaya ang buhay kung matututo tayong maging masaya sa success ng iba. un lang po un.
Totoo naman. Kaya mga kabataan walang alam kundi maglandian e.
Kakalerky. Kaya hirap gumawa ng quality films sa pinas perfect example yang mga nagagalit na yan.
Wala namang nagagalit kung may gumawa ng quality films ah? Nagagalit kasi kino-compare nya. Pwede naman syang mag-promote na hindi tinitira ang ibang genre.
1:44, sobrang skewed ng philippine cinema sa romcom. Outside mmff, As in yun lang halos kumikita nang malaki sa atin, hindi action, hindi horror, hindi drama. Kasi movie audience yun lang din tinatangkilik.
Correct yan lang gusto ng mga tards eh mga kiligan. Kaya ang layo layo natin s mga foreign movies. Haays..
may point din naman si Jake na magandang manood ng Goyo dahil historical pero sana hindi sya nagbanggit ng romcom to get his point across.
eh sa yon ang totoo! mas may makuha tayong lesson sa Goyo compared to THOU
To be honest, I’m watching movie to be entertained and not to learn. And you can’t please everyone. It’s their money anyway..
1:20 THOU was graded A by the CEB like GOYO. At nasa tao yun kung may nakukuha syang lesson sa movie na pinanood nya. Besides, mababasa mo sa mga historical books ang GOYO hindi mo pa need gumastos at mas detailed pa ang nasa libro.
Eh ang THOU, anong maganda sa THOU??? Typical daily issues of a married couple, nilagyan lang ng kilig at konting twist. Hay naku, basta romcom pinoy movies, nothing new.
1:20 80% naman ng pelikula may mapupulot kang lesson nasayo na lang yun paano mo iintindihin at kung yung mapupulot mo bang aral ay iaaply mo sa buhay mo. may point naman si jake pero hindi lang tama na magcompare at tirahin ang ibang genre to think na may kaibigan syang direktor na expert sa romcom

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions!

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel