Winner! Patricia Javier wagi sa Mrs. Universe Philippines 2019

Winner! Patricia Javier wagi sa Mrs. Universe Philippines 2019

- Super wagi naman ang aktres at celebrity mom na si Patricia Javier sa Mrs. Universe Philippines 2019

- At hindi nga naman nagpatalbug si Mrs. Dr. Rob Walcher sa ibang mga contestants dahil inuwi lang naman nya ang main title

- Ang mother of 2 ay ang bagong Mrs. Universe Philippines para sa taong ito, at ang ibig sabihin nito ay marerepresent na nya ang bansa sa international stage

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos raw ng dalawang dekada na unang sumubok sa isang beauty queen title si Patricia Javier, ay ngayon, sa wakas nakamit na nya.

Sa kakatapos pa lang ng Mrs. Universe Philippines 2019, kagabi, September 8, 2018, nalaman ng KAMI na itinanghal ang happy wife at mom of two na si Patricia Javier na nagwagi sa nasabing titulo.

Ito ay una naming naispatan sa Facebook page ng ABS-CBN News.

Ang ibig sabihin nito ay may pagkakataon sya para mairepresent ang bansang Pilipinas sa international stage na tumututok sa mga married women o kasal na mga babae with a cause.

Ginanap ang naturang beauty pageant para sa mga misis sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Pasay.

Bukod pa sa health at fitness advocate wife and mom na si Patricia Javier, may ibang mga misis rin ang nagwagi sa ibang mga korona sa nasabing pageant.

At sila ay sina:

Lovely Gervacio-Tajan (Mrs. International Philippines)
Arlene Poyaoan-Galvez (Mrs. World Philippines)
Maria Estrella Zaldivar (Mrs. Globe Philippines)
Johanna Beatriz Jacinto-Ticzon (Mrs. Earth Philippines)

Sa pagkapanalo ni Patricia Javiero ay bumuhos rin ang mga komento online at narito ang iilan sa kanila:

"She deserve it!! A beautiful woman inside and out! "

" She deserves the CROWN !"

"Congratulation Very kind, Simple , and Beautiful!"

"Congrats! God is so good to you."

"Beautiful person with a magnanimous beautiful and generous heart!! Well deserve!! Congratulations!!"

Hindi din naman nagpahuli ang mister ni Patricia Javier na si Dr. Rob Walcher sa pagconggratulate sa kanyang misis.

Ani pa nya:

"Congratulations @patriciajavier1 for winning Mrs. Universe Philippines. We all love you so much. Thank you for continuing to inspire us to reach new heights. "

Unang sumabak si Patricia Javier sa beauty pageant noong 1998 sa Binibining Pilipinas.

Hindi man pinalad na maiuwi ang korona noon pero ito din naman daw ang sinasabing dahilan para makapasok sya sa showbiz.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel