Slaying! Heart Evangelista isa sa best red carpet looks ng Elle magazine

Slaying! Heart Evangelista isa sa best red carpet looks ng Elle magazine

- Tunay at totoong agaw-pansin ang lakas ng dating ng 'Darling of the Philippines' at Philippines fashion icon na si Heart Evangelista

- Sa katunayan ay isa lang naman sya sa tinanghal at kinilala ng Elle Magazine bilang best red carpet looks sa Harper's Bazaar ICONS party 2018

- Kahalera lang naman ng Kapuso star sina Paris Hilton, Gigi Hadid, Kendall Jenner, Adriana Lima, at Alessandra Ambrosio

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakakaproud moment naman talaga bilang Pinoy na malaman na mapansin ang isang Filipino sa kahit anong uri ng event sa international scene dahil naniniwala ang KAMI na ito ay magbubukas at magbibigay ng posible at marami pang oportunidad sa ibang Pilipino na may kaugnay sa larangan sa nasabing pagtitipon.

At sa world ng fashion, mukhang gumaganda lalo ang mga oportunida ng mga Filipino designers, models, fashion stylists, at fashion icons na mapansin at mabigyan ng mga pagkakataon para ipakita ang angking galing at dating.

Gaya na lang ng ginawa ni Heart Evangelista, na ibinahagi ng Metro Society Instagram page.

Pagkatapos ng pagrereyna ni Kris Aquino sa Crazy Rich Asians sa Hollywood ay sumundo naman si Heart Evangelista na rumampa at nagreyna sa fashion event sa Harper's Bazaar Icons Party 2018 sa New York.

Hindi lang naman isa sa mga special at important guests ang 'Darling of the Philippines' na Kapuso aktres, Heart Evangelista, pero waging wagi naman sya sa panlasa ng mga international fashion experts pagdtaing ng kanyang fashion-forward look sa naturang event.

Number 31 out of 44 special guests si Heart Evangelista sa listahan ng Elle Magazine's online list na pinamagatan nilang 'All the Best Looks From the 2018 Harper's Bazaar ICONS Party.'

Naihilera lang naman si Heart Evangelista sa mga A-list sa Hollywood at sa fashion industry gaya nina Cristina Aguilera, Heidi Klum, Victoria Justice, Alessandra Ambrosio, Adriana Lima, Paris Hilton, Kendall Jenner, Bella Hadid, Cardi B, Gigi Hadid, Nicki Minaj, at Kelly Rowland.

At kasali din ang isa pang Hollywood singer, performer, judge ng XFactor na may dugong Filipino din na si Nicole Scherzinger.

Dumagsa naman ang super proud Pinoy netizens sa naturang post.

"Wow, so proud! "
"stunningly gorgeous and classy"
"impeccable taste!"
"Slayin'"
"She is carrying @farah_abu purse"
"I think @iamhearte and @markbumgarner are fashion soulmates . That kind of combination which always feels right and can never go wrong"
"The woman who's always dress to kill! Whoooo!"

Una namin ibinalita ang pagrampa at pag agaw-pansin ni Heart Evangelista sa naturang ICONS party ng Harper's Bazaar, ang nagpakilala rin sa Darling of the Philippines sa buong mundo bilang isa sa "the real crazy rich Asians."

Ang lahat ng ito ay pagkatapos makipag rubbing elbows si Heart kay Kate Bosworth at pagiging international endorser ng luxury bag.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015.

Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

POPULAR: Read more news about Heart Evangelista here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel