Handa na ba tayo? Pasahe, asahang tataas daw ng ₱12

Handa na ba tayo? Pasahe, asahang tataas daw ng ₱12

- Asahan tataas daw sa halagang ₱12 ang pamasahe bilang bahagi ng jeepney modernization

- Nagbigay babala ang transport group na Piston na huwag maniwalang mananatiling ₱9 ang minimum fare kahit pa papasada na ang mga makabagong jeep

- Makailang beses nang nagkaroon ng transport strike ang Piston patungkol sa pagpapatanggal ng mga dilapidated jeepneys sa kalsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malaki raw ang posibilidad na tumaas nang ₱12 ang minimun na pamasahe kung magsisimula nang pumasada ang mga makabagong jeepney.

Ito ang babala ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) alinsunod sa ipatutupad na jeepney modernization sa bansa.

Ayon sa grupo, huwag daw maniwala na mananatiling ₱9 pa rin ang pamasahe lalo pa at mga bagong jeep na ang bibiyahe.

“Kapag pinalitan na nila ng electric jeep ang mga sasakyan, tiyak yun na magtataas na ang pasahe. Kaawa-awa ang mga pasahero natin. Kaya sila nagtitiyaga silang sumakay sa mga jeep ay dahil ito ang may pinakamurang pamasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan (When they replace jeepneys with electrical jeeps, for sure fares will increase and our passengers will be most affected. They continue patronizing jeepneys because they have the cheapest fare among all public utility vehicles),”ayon sa PISTON.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakailang transport strike na ang grupo dahil sa pagtutol nila sa pagtatanggal ng mga lumang jeep na pumarada sa kalsada.

Maaalalang di lang sa Metro Manila naganap ang strike na lubhang nakaapekto noon sa mga commuters.

Naklulungkot din daw na isipin na bukod sa pagtaas ng bilihin, mukhang sasabay pa raw ang taas ng pasahe.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel