Paano makakaiwas? Non-smokers, maaari pa ring makakuha ng sakit sa sigarilyo
- May ilang karamdaman pa rin na maaring makuha sa "third hand smoke"
- Maging ang mga di naninigarilyo ay magkaroon pa rin ng allergic rhinitis, at hika o asthma
- May ilang paraan upang makaiwas dito lalo na kung mayroong miyembro mismo ng pamilya na naninigarilyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Di lamang ang mismong naninigarilyo o mga direktang nabubugahan ng usok nito ang maaring magkasakit. Maging ang mga nakalalanghap ng "third hand smoke" ay tamaan din ng ilang karamdaman.
May epekto rin daw sa mga taong nakapitan ng amoy ng sigarilyo at amoy nito ayon sa isang pulmonologist na si Ma.Janeth Samson.
“Kapag hinawakan mo 'yung mga anak mo when you get home, puwede ring kumapit sa kanila. 'Yung kamay niya na nilagay sa damit mo, puwedeng ma-ingest iyon, ma-inhale iyon. Kung parating nangyayari iyon, it accumulates and generates effects,” paliwanag ng doktor.
Nangangahulugan lamang na maging ang mga bata sa bahay na di man nakalalanghap ng usok ng sigarilyo ay maaring tamaan ng karamdaman kung madalasan na nalalapitan o nahahawakan ng taong naninigarilyo.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ang ilan sa mga sakit na maaring makuha mula rito ay allergic rhinitis, at hika o asthma. Ito rin ang mga karamdaman na mismong ang mga tinatawag na first at second hand smokers ay magkaroon.
Ngunit, maiiwasan namang ng mga third hand smokers ang mga karamdamang ito sa pamamagitan ng ibayong pag-iingat.
Mangyaring maghugas daw ng maigi ng kamay ang mga naninigarilyo mismo bago makisalamuha sa mga tao sa kanilang bahay. Gayundin din daw ang mga kagamitan na nahawakan na ng mga smokers.
Pinaalalahanan din tayo na lubha masama ang epekto ng palagiang paninigarilyo na kung maari lamang daw sana ay itigil na lamang.
Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!
Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh